Lonely, I’m Nobody
Isa pang ikinalulungkot ng (hinayupak) buhay ko eh sa dami ng mga problemang iniiisip lalo na sa taong pinakamamahal mo.
Una, sa susunod na taon aalis ang mahal ko at magmamasteral daw. Potek na pag-aaral yan oo, Teacher ka na mag-aaral ka pa. At gusto sa Maynila (mahal kong maynila) pa magmasteral e meron naman dito malapit sa amin. Potek talaga oo. Iniisip ko yan. Ito na ang pinakamsakit sa akin dahil 2 buwan (oo, hindi 3, 2 lang) siya mawawala sa tabi ko. Dami ko kasi iniiisip eh. Adik nga siguro ako.
Pangalawa, saan ka ba kukuha ng pera para ipambayad sa pagmamasteral ng pinkamamahal mo? Sana nga meron ako pera para tapos an problema ko. Potek talaga oo. Kung anak lang ako ng Bilyonaryo badya ko pa papasukin sa mastera ang mahal ko. Pera, Pera, Pera, potek na pera yan nauso pa. Sana tela na lang pambayad no. Kung gusto niyo magdonate para sa akin, open ako 24 hours kahit linggo at piyesta opisyal open ako.
Tatlo, wala na pala, tangina basta madami ako iniiisip kaya dito ko na lang nilagay lahat.
Pass-Ko
Kapag mamalasin ka nga naman ano, magpapasko wala akong pera. Bakit kasi ang aga binigay ang sweldo ko, potek kayo manager sana ngayon nyo na lang yung bonus namin. Ilang araw na lang at pupunta na mga inaanak ko sa bahay para mamasko, tang ina oo, ano na naman sasabihin ko?? Pasensiya saka na lang sa akin kapag nag-asawa ka na!! Hayup! Eh edad 2 taon pa lang yung mga inaanak ko, ano na lang sasabihin nga mga inahin at amahin ng mga yun. Grabe naman si _________ , ang kuripot. Potek wag ko lang maririnig yan at tiyak giyera to the max ang labas. (Baka magkasaulian pa ng kandila, wag naman sana, maganda si Mare).
Iniisip ko ngayon kung saan kukuha ng pera. Mangholdap, magnakaw, mangidnap, magpasabog ng mall, manhostage, humingi sa wish Ko lang at kung ano ano pang bagay ang pumapasok sa isip ko magkapera lang. (Wahhhhhhhh wag sana akong mahuli ng pulis). Sana naman wag maalala ng mga inaanak ko ang Pasko. (wahahahaha, nice thinking).
Hindi ko na alam gagawin ko. Aalis muna ako baka swertehin sa labas at may dumating na pera galing abroad o kaya naman lumagpak yun galing sa langit. Ang hirap talaga ng swerte ng tao. Kelan kaya dadating swerte ko?? Sana ngayon na at huwag nang ipagpabukas pa.
Misa De Gallo
Ang diwa ng Pasko ay hindi kumpleto kung wala ang simbang gabi. Dito mo makikita ang lahat ng mga kakilala mo pati yung mga teacher mo noong elementarya ka pa.
Titser: Ikaw si ________ yung magaling (malikot) kkong estudyante noon?
Ako: Opo. wag naman po kayong ganun. (buhay pa pala kayo??)
Nagiging reunion nga ito sa lahat. Pati mga kamag-anak mo na di mo nakikita ng mahabang taon ay makikita mo sa simbang gabi. Kasi naman bakasyon hehehheeh kaya reunion na din.
Ale: Ikaw ba si _______, yung anak ng Tita ________??
Ako: Opo ako nga.
Ale: Ahh oo ikaw nga, tiyahin mo din ako, pwede ako na lang uupo diyan.
Ako: Ahh ganun po ba, sige po. (letse ka papakilala ka tapos aagwan mo ako ng upuan)
Di mo din aasahan na makikita mo ang crush mo noong bata ka pa na ngayon ay may asawa na.
Ako: Oi Juana (di tunay na pangalan), kumusta na, sino yan anak mo?
Juana: Oo, magiisang taon na, ikinasal ako noong pagtapos ko ng jiskul. ikaw kamusta na.
Ako: Eto ganito pa din makulit ang isip. Asan asawa mo?
Juana: Nasa abroad ngayon eh. Di nga makakuwi ng Pasko.
Ako: Ahh ganun ba(Pwede ako na lang katabi mmo mamaya) hehehehhe
Simbang gabi tradisyon na nating mga Pilipino. Kulang talaga ang Paskko kapag wala nito.
Ibang Lahi
Hindi ko alam kung bakit ito ang entry ko sa (hinayupak) na blog ko. Sino ba naman ang hindi mapapasulat eh talaga naman na kakaiba ng ugali ng ibang lahi kesa sa mga pinoy.
Mahilig ako sa online games, mapa private server o gawang pinoy ok lang sa akin. Nagtry ako maglaro sa isang private server na online games. Angd aming pinoy na naglalaro at mismong Game Master ng laro eh pinoy. Halos lahat pinoy nakikita mo.
May umagaw ng atensiyon ko nang muli akong maglaro. May nagsasalita ng ibang lengguwahe sa larong iyon. Hindi ko akalain na bukod tangi siya sa lahat doon. Kinausap ko siya (siyempre Ingles). Taga-Chile pala siya. At Espanyol ang salita nila. Isa sa nakita ko sa kanya, una pagiging curious o matanong. Tanong siya ng tanong sa akin kung ano gagawin. Ako bilang pinoy, eh matulungin. pagkatapos ng trenta minuto eh nagawa na niya yung mga sinabi ko. Tapos noon nagpsalamat siya kahit baluktot Ingles niya.
Kinabukasan may kasama na siya 2 pang player na galing Chile rin. So nag ask din sila sa akin. Tinulungan ko sila. Tapos nun sabi ko sa kanila, bibigyan ko sila ng gamit, sabi nung isa “No need, we can handle items here.” Nagulat ako. Tapos sabi pa ung isa, “We are here to relax and hang around, even we are killed by Filipinos in thos player-kill maps”. Nagulat ako at sumali sa kanila. Iginanti ko yung mga taga-Chile sa kalahi ko. Kasi naman ang yayabang ng pinoy, kahit saan magpunta. Akala mo kung sino malakas. puro hangin lang naman. Di ko minamaliit lahat ng pinoy pero sana bawasan natin pagiging mayabang sa katawan.
Kinabukasan nagonline ulit kami, kasama ko na yung taga ibang lahi. Sa tiyaga nila maghanap ng mga gamit sa larong yun. Humanga ako sa kanila. Masyado sila matiyaga sa paghahanap. Hindi tulad nating mga pinoy, asa tayo sa kapwa pinoy natin.
Ngayon nagpapasalamat sila sa akin dahil sa mga natulong ko sa kanila. Di ba ang sarap kahit sa munting bagay nakatulong at isipin mo ibang lahi pa natulungan mo. Hindi yung magmamayabang tayo sa iba wala naman pala tayo ibubuga.
Kaya naman hindi naasenso ang bansa nating dahil sa madaming mayayabang na pinoy.
Mukhang baduy ang entry nato ah… pagpsensiyahan na humahanga lang talaga ako.
Simoy Pasko
Mula pagkabata hanggang ngayon eh lagi ako natutuwa kapag sasapit ang Pasko, paano ba naman nung bata ako lagi may nagbibigay sakin ng P500.00 na ninong kaya ang saya-saya ko noon. Pero ngayon wala ng magbibigay ng ganun kasi matanda na ako at ang kalimitang sabi ng mga ninong ko eh “Sa Kasal na lang yung sa Akin ha”. Makapagpakasal na kaya bukas para malamn ko kung magkano ibibigay ng mga ninong at ninang ko.. PWEDE.
Masarap talaga kapag Pasko. Ang magkakagalit (lalong nagkakagalit) ay nagkakabati. Ang mga masusungit na matanda eh nagbibigay ng kending hubad at (panis) na tsokolate. Ang mga bata ang sasaya parang walang katapusan ang araw kapag Pasko. Ang magkakapitbahay nagbibigayan ng mga handa nila. Peborit ko yung cake ng kapitbahay namin eh, ang sarap.
Bakit kaya hindi na lang gawin Pasko araw-araw para walang problema. Para magbigayan ang lahat. Para walang mga gulo at manggugulo. Para walang KUDETA, (Trillanes, tinamaan ka ba?). Pero hindi maari gawing Pasko araw-araw. Siyempre nakalaan yung isang araw lang. Eh di nagalit si Papa Jesus kung ginawang araw-araw birthdayNiya.
Anyway, Merry Christmas sa inyo. Sana masagana ang maging Pasko niyo.
Panibagong Kudeta???
Tangina nga naman oo, hindi ko akalain magagawa ni (Senador) Trillanes yun. Halos matakot ang buong Pilipinas sa ginawa niya sampu ng kasamahan niya.
Kung may kudeta man ngayon, ingat na lang kayo at huwag nang magpapagabi sa daan. Wala na talagang magandang nangyari sa bansa natin. Puro gulo at pananakot na lang nararanasan at isipin niyo na ngayon pang magpapasko. Potek kayo. Igalang niyo naman kapanganakan ng Diyos na nagligtas sa inyo. Kung wala na kayong magandang idudulot sa lipunan magaling pang magpakamatay na lang kayo.
Sa mga magbabasa nito ingat na lang tayo.
Buti ka may PERA, ako WALA
Buhay nga naman oo. Bakit ba ganun, kung kelan kailangan mo ng pera saka hindi dadating at kung kelan hindi mo kailangan duma dating, ang labo di ba? Pero wala na magagawa, naubusan na ako ng pera eh. Lintek na buhay oo. Sana naman kahit paano may dumating na pera sa akin ngayong araw na ito. Kahit singkong butas ok lang mahalaga may pera ako. (joke lang).
Ang daming kong iniisip magkapera lang sa araw na ito. Mangholdap na lang kaya ako ng bangko para sosyal. O kaya magnakaw ng cellphone tapos ibenta ko ng Php1000.00. Pero huwag, wala pa naman ako masamang record dito sa lugar namin. Goodboy ako. Pero kailangan ko talaga ng pera. Alam ko na mananawagan pala ako sa Kapwa ko Mahal Ko, para may pera ako. O kaya sa Wish Ko lang. Hay dami ko talaga iniisip magkapera lang.
Saan ba may pera? Sana nakukuha na lang pera. Yun bang tipong maghuhukay ka lang ay (dumi ng kabayo) pera na bubungad sa’yo. Hay naku. Sana umulan ng pera, pero huwag iyong mga coins kasi masakit sa ulo kapag tinmaan ka. Yung dollars para lahat ng pinoy masaya.
Pera asan ka?? Lumapit ka sa akin. Kailangan kita, SOBRA.
Bomalabs
Kagabi habang sakay ako sa tricycle pauwi sa bahay (saan pa ba uuwi) ay may nagkabanggaan sa mya kanto sa lugar namin. Isang tricycle at isang owner type jeep. (Sino kaya nanalo??) Siyempre yung tricycle wasak na wasak yung unahan na akala mo e lata ng sardinas na pinirat ng martilyo. Since may banggaan trapik. (ano pa ba). Si manong driver ng tricycle ayaw pa areglo. Gusto kasuhan yung may-ari ng owner type jeep. So ako naman nakatingin lang habang madaming tao nakikiusyoso sa nangyari.
Eto namang drayber ng tricycle namin bigla ngsalita ng dito na lang kayo at matatagalan pa bago kayo makausad. (potek oo). Isipin mo sayang bayad mo tapos ang maglalakad ka ng 2 pang kanto bago makrating sa bahay mo. So ako sabi ko sa manong drayber ok lang ho hintayin ko matapos yan. Ganun din naramdaman ng ibang naksakay. (thanks God may kasama ako). Umabot ng kalahating oras ang diskusyon sa banggaan.
Dumating na ang mga barangay (tagay) tanod sa pinangyarihan. May pulis, tindera, kusinera, kargador, magbabakal at kung sino sino pa. Pati mga bata gusto makiusyuso. Sabi nung isang barangay (tagay) tanod eh sa barangay hall na lang dalhin ang problema kasi nga trapik na. So sabi ko sa sarili ko, buti naman at uusad na. Potek naman oo. Kasabi-sabi nung pulis o baba na kayo diyan at hindi aalisin to hanggat di natatapos ang argumento sa barangay hall.
Tang ina ang labo ah. So no choice ako. Bumaba kami na nakasimangot at ang masakit pa walang balik pasahe sa amin.
Sayang din kaya Php2.00. Limang piso lang pasahe hanggang pandalawang kanto sa amin.
Maduming Usapan
Dalawang araw na ako naghihirap sa sakit ko. Ano ang sakit ko? Hindi ako mapa-tae. Oo. Yan ang sakit ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula ito. Basta pagkagising ko ng Lunes ng umaga nahihirapan na ako jumebs. Kahapon ganun din pakiramdam ko.
Wala ako magawa kundi kumunsulta sa Ate ko na nagtapos ng NARSING. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ng aking tiyan. Sinabi niya na uminom daw akko ng DUPHALAC, para daw mapatae ako (may gamot pala para pampatae). So ako dahil gusto ko nang ilabas ang lahat ng sama ng tiyan ko eh agad akong bumili. Inom agad ako pagdating sa bahay. Potek ah! Sama ng lasa ng gamot. Halos masuka ako at ayoko ng inumin ulit.
Since kailangan kong gumaling tiniis ko ang sama ng lasa ng gamot. (WhooH! Sana may asukal man lang). Guminhawa naman pakiramdam ko. Lumabas nang lahat ang sama ng tiyan ko. I-quote ko lang yung sinabi ni Ms. Melanie Marquez.
“The show is very success”.
Sabi nga nila all things must end well. Ngayon, kahit masakit sakit pa ang pwet ko dahil sa matigas na jeb na hindi lumabas dalawang araw, eh ayos naman ang pakiramdam ko.
I’m Dead
Naisipan kong tawagan ang MAHALKO (oo, may mahal na ako, at siya na ang pakakasalan ko, hay buhay) dahil miss na miss ko na siya. Tumawag ako, then sa tagal ng pag-uusap namin hindi ko namamalayan na nagagalit na pala siya. Aray! Ano ba ginawa ko, sinabi ko lang naman na pumunta siya sa bahay ng lunchtime, ayun bigla na lang nag-alburuto ng galit nang hindi ko nalalaman.
Ang hirap, hindi ko man lang nasabi na sorry o pasensiya na, eh paano ko ba masasabi yun eh binagsakan niya agad ako ng telepono.
Babae nga naman.
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS