Buti ka may PERA, ako WALA
Buhay nga naman oo. Bakit ba ganun, kung kelan kailangan mo ng pera saka hindi dadating at kung kelan hindi mo kailangan duma dating, ang labo di ba? Pero wala na magagawa, naubusan na ako ng pera eh. Lintek na buhay oo. Sana naman kahit paano may dumating na pera sa akin ngayong araw na ito. Kahit singkong butas ok lang mahalaga may pera ako. (joke lang).
Ang daming kong iniisip magkapera lang sa araw na ito. Mangholdap na lang kaya ako ng bangko para sosyal. O kaya magnakaw ng cellphone tapos ibenta ko ng Php1000.00. Pero huwag, wala pa naman ako masamang record dito sa lugar namin. Goodboy ako. Pero kailangan ko talaga ng pera. Alam ko na mananawagan pala ako sa Kapwa ko Mahal Ko, para may pera ako. O kaya sa Wish Ko lang. Hay dami ko talaga iniisip magkapera lang.
Saan ba may pera? Sana nakukuha na lang pera. Yun bang tipong maghuhukay ka lang ay (dumi ng kabayo) pera na bubungad sa’yo. Hay naku. Sana umulan ng pera, pero huwag iyong mga coins kasi masakit sa ulo kapag tinmaan ka. Yung dollars para lahat ng pinoy masaya.
Pera asan ka?? Lumapit ka sa akin. Kailangan kita, SOBRA.
Bomalabs
Kagabi habang sakay ako sa tricycle pauwi sa bahay (saan pa ba uuwi) ay may nagkabanggaan sa mya kanto sa lugar namin. Isang tricycle at isang owner type jeep. (Sino kaya nanalo??) Siyempre yung tricycle wasak na wasak yung unahan na akala mo e lata ng sardinas na pinirat ng martilyo. Since may banggaan trapik. (ano pa ba). Si manong driver ng tricycle ayaw pa areglo. Gusto kasuhan yung may-ari ng owner type jeep. So ako naman nakatingin lang habang madaming tao nakikiusyoso sa nangyari.
Eto namang drayber ng tricycle namin bigla ngsalita ng dito na lang kayo at matatagalan pa bago kayo makausad. (potek oo). Isipin mo sayang bayad mo tapos ang maglalakad ka ng 2 pang kanto bago makrating sa bahay mo. So ako sabi ko sa manong drayber ok lang ho hintayin ko matapos yan. Ganun din naramdaman ng ibang naksakay. (thanks God may kasama ako). Umabot ng kalahating oras ang diskusyon sa banggaan.
Dumating na ang mga barangay (tagay) tanod sa pinangyarihan. May pulis, tindera, kusinera, kargador, magbabakal at kung sino sino pa. Pati mga bata gusto makiusyuso. Sabi nung isang barangay (tagay) tanod eh sa barangay hall na lang dalhin ang problema kasi nga trapik na. So sabi ko sa sarili ko, buti naman at uusad na. Potek naman oo. Kasabi-sabi nung pulis o baba na kayo diyan at hindi aalisin to hanggat di natatapos ang argumento sa barangay hall.
Tang ina ang labo ah. So no choice ako. Bumaba kami na nakasimangot at ang masakit pa walang balik pasahe sa amin.
Sayang din kaya Php2.00. Limang piso lang pasahe hanggang pandalawang kanto sa amin.
Maduming Usapan
Dalawang araw na ako naghihirap sa sakit ko. Ano ang sakit ko? Hindi ako mapa-tae. Oo. Yan ang sakit ko. Hindi ko alam kung paano nagsimula ito. Basta pagkagising ko ng Lunes ng umaga nahihirapan na ako jumebs. Kahapon ganun din pakiramdam ko.
Wala ako magawa kundi kumunsulta sa Ate ko na nagtapos ng NARSING. Sinabi ko sa kanya ang sitwasyon ng aking tiyan. Sinabi niya na uminom daw akko ng DUPHALAC, para daw mapatae ako (may gamot pala para pampatae). So ako dahil gusto ko nang ilabas ang lahat ng sama ng tiyan ko eh agad akong bumili. Inom agad ako pagdating sa bahay. Potek ah! Sama ng lasa ng gamot. Halos masuka ako at ayoko ng inumin ulit.
Since kailangan kong gumaling tiniis ko ang sama ng lasa ng gamot. (WhooH! Sana may asukal man lang). Guminhawa naman pakiramdam ko. Lumabas nang lahat ang sama ng tiyan ko. I-quote ko lang yung sinabi ni Ms. Melanie Marquez.
“The show is very success”.
Sabi nga nila all things must end well. Ngayon, kahit masakit sakit pa ang pwet ko dahil sa matigas na jeb na hindi lumabas dalawang araw, eh ayos naman ang pakiramdam ko.
Ang Mahal
Kaninang umaga bago ako pumasok sa opisina, nagsabi ako sa nanay ko ng ganito, ‘Nay, pagluto mo naman ako ng sinangag at longganisa, sabi naman ng nanay ko, Sige, ligo ka na muna at lulutuin ko. Diyaraan, bait talaga nanay ko. Eto na, nagbubukas nanay ko ng stove, pihit dito, pihit doon. Sabi ko na lang, Nay baka wala na tayong gasul. Tsinek ng nanay ko yung LPG namin (yung sanhi daw ng pagsabog sa GLORIETTA) POTEK, wala na pala kaming gasul. So ako naman, ehem bilang konsern citizen of the house, eh nagsabi ng Nay bili muna ako ng LPG sa may kanto. Oo naman si MADIR dear. So dala ko yung LPG namin habang lakad ako sa kanto.
Nang makarating ako sa tindahan, tanong ko agad kung magkano ang LPG. POTEK talaga, sabi nung tindera P610 napo LPG. WHATT???!! Sabi ko nung isang buwan 480 lang ah. Sabi nung tindera nagmahal na daw eh. Naman.
Kung di lang maganda gising ko, tatakbuhan ko yung tindera na dala ang LPG na may laman. Pero mabigat eh, baka tumawag pa ng tanod at makulong pa ako. Good boy to eh. whahahahaha.
Pagdating ko sa bahay, sinabi ko kay Nanay yung presyo, sabi lang niya Ganyan talaga, lahat tumataas Sabi ko na lang mag-uling na lang kaya tayo. Natawa naman si nanay. Tapos sinabi niya, di hindi maluluto etong paborito mo. Sabagay. Pero ang iniisip ko, ang laki ng itinaas ng LPG. from 480 to 610. Talaga nga naman. Mabuti pa noong una, kahoy lang ginagamit sa pagluluto, kahit hap-kuk yung pagkain kain lang ng kain. Kahit may dugo ay kain pa rin.
O siya tama na muna, baka sa duguan pa maounta to.
May Pasok
Nakakatamad talaga ang pumasok, lalo na at galing ka sa mahabang bakasyon. Pero siyempre kailangan mong pumasok sa trabaho man o sa eskuwelahan. Tandaan mo na hindi lahat s abuhay mo e bakasyon. Pwede ka namang magbakasyon, kapag namatay ka na wahhahahaha.
Anyways, and anyhows talagang minsan nakakatamad pumasok lalo na trabaho. Siymepre, una mong makikita ang boss mo na matakaw sa pera. Mga pinagkakautangan mo, mga barkada mong walang alam gawin kundi magyaya maghapi hapi at higit sa lahat ang sandamukal na gawain na iniwna mo noong bakasyon.
Pero kung hindi ka papasok, wala kang kikitain. Wala kang mababaon na masarap, tulad ng kaning lamig at toyo. bwahahahhahaha.
Kung titingnan mo marami kang makukuha na kakaiba kung sakaling papasok ka. Tulad nalang ng pagsakay mo sa dyip, makakasama mo mga taong may putok, mga taong baliw at driver na akala mo eh may humahabol at siyempre mga chikababes na seksi.
Chikas: Makikiabot ng bayad.
Ako: Ang lambot naman ng kamay mo. Pwede ka ba mamaya?? (sabay sampal)
Pero nakakatamad din kasi dami pinagagawa dito. Taeng manager yan. Siya sige na baka masisante pa ako dito.
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS