I’m Alive
Buhay pa naman ako sa mga poanahong ito. Hindi ko lang magawang makapgsulat dahil sa dami ng ginagawa ko sa opisina (kala niyo lang). Sa dami ng ginawa ko hindi ko na alam kung may bukas pa para sa akin (wooo drama). Nagcocomment lang ako sa blog ni “Dobo” kapag may free time ako sa opisina. At ngayon nga na wala si “Boss” (si taning ito) ay pwede akong mag-blog ngayon. Hay buhay, sana hindi na dumating yung “boss namin dito” kasi ang sarap ng pakiramdam kapag wala siya. Pero kapag andiyan siya, hay para kaming bibitayin sa dami ng pinagagawa at inuutos niya. Kapag wala siya, we’re FREE as a bird (hindi yung nasa baba kasi nakakulong yun).
Maganda naman ang naging week ko sa opisina, na kahit hindi makapag-blog dahil sa sandamakmak na trabaho eh ok naman. Kahit malaki na ang “eyebag” ko eh todo smile pa rin sa mga nagiging customer ng firm namin. Sino ba naman hindi magiging masaya eh sa kagaganda ng mga nagiging customer namin. Yung isa nga halos lumuwa dibdid (langit ito) kapag kausap ko. Hay! Kung di ka lang customer baka nayaya na kita sa biglang liko.
Nag-isip din akong magsulat dahil 1st day of the month ngayon na kahit andiyan si “Boss” eh sulat pa din ako kunyari lang na may ginagawa. Wala kasi magawa kapag ganitong sabado kasi wala naman masyado customer. Kaya eto blog-blog muna. Hay buhay, makapgpaalam na nga at nang makapg-halfday na lang. Mas magaling pa tumigil sa bahay kesa sa ganito. Whooh. Babush!
Net Mo, Net Ko, Net Net Niyo!!!
Isang hobby na ng mga pinoy at siguro ng lahat ng tao ay ang mag-internet (sus maniwala). Naging palipas oras na nga ng tao ang magsearch at siyempre mag-chat. (hmm). Mapapansin mo sa mga tao na nag-eenjoy ang lahat sa pagsu-surf sa internet. Ngunit sa kabila nito, tingnan natin kung anu-anong site ang madalas puntahan ng mga taong nag-iinternet.
At ilan sa mga yun ang sumusunod:
1. Friendster.com
Nangunguna na yan sa mga top sites na pinupuntahan ng mga tao. Sino ba naman ang walang friendster account. Aba kung wala ka pang account dito gumawa ka na. Sus! Age of computer na, kaya gawa na. Maganda din naman kasi ang features na pinapakita ng site na ito. Sino ba naman ang hindi maeengganyo, eh kahit yung bangkay mong kaibigan eh makikita mo dito. Kahit kanunu-nuan mo, tiyak may account dito.
2. Youtube.com
Movie ba ang hanap mo?? Music Video ba??? o Tutorial sa gitara??? hmmm. Sino ba naman ang hindi maaadik sa site na ito. Nanonood ka na nag-eenjoy ka pa. Sana meron ding mga porn movies dito para mas lalong sumikat ang site na ito. (yuhooo scandals naman diyan).
3. Multiply
Hindi ko alam ang features ng site na ito pero alam ko sikat ito. Basta sikat din ito gaya ng friendster.
4. Yahoo
Aba paano ba naman hindi magiging sikat ito eh homepage ng lahat internet cafe ang site na to.
5. Google
Search site kung matuturing ang ang site na ito. “Saan ka nakakita ng articles???” “Search mo sa google!”. Pero mas type ko mgsearch sa yahoo. Sorry google malaki bayad sakin ng Yahoo. eh (sana nga may bayad amp).
6. Youporn at Redtube
Sa mga hindi nakakaalam, porn site po mga yan. Pinagsama ko na kasi once na magbukas ka ng youporn eh kasunod na nito ang redtube. Streaming porn movies and videos ang makikita dito, siymepre sino ba naman ang pupunta dito eh di yung mga manyakis na katulad niyo. Kaya ano pa hinihintay niyo, punta na. Nga pala update daily yan. (bayad ko ha youporn hehehe).
7. Zwani
Free grpahics naman ang hatid ng site na ito kung saan pwede mo ilagay ang graphic sa friendster mo.
Ay siya yan na muna ang iba. sa susunod na lang yung iba..
Sa Mga Walang Date
PAALALA: Ang lahat po ng mga makikita niyo ay puro kasiyahan lamang… wala pong malisya sa lahat ng ito… Sit back and let’s all have fun…
S![]()
a mga walang makadate diyan ngayong araw na ito eto ilan sa available ladies and some not that kind of ladies natin na naghahanap ng ka date.. Piliiiiiiii naaaaaaa!!

Ang hanep WOW!

BarefooT!!!!

EMO!!! (Emong Bakla!!! Gaga!!)

Humanda ka kakagatin ka niya!!!

Model ng Chin Chun So

Buti pinatulan ka ni Renz!!! (Remember Her!!!)

Oh ha!! Ngipin pa lang Ulam na!!! Kagat Na!!!

Berdeng berde ah!! Berde din kasi ang dugo!!!

Oh ha!!! Siya ang panalo sa mga dates niyo!!!
Oh wag na kayo malungkot at eto an sila ang (tatapos sa buhay niyo) mga makakadate niyo!!! Pabook na agad sa kanila!!! Huwag na mahiya!! Kayo din!!!
![]()
![]()
Happy Hurts Day
Araw na naman ng mga puso, at sa iba maganda ang araw na ito kasi makakasama nila ang mga mahal nila sa buhay(parang Araw ng mga Patay ang dating ah) at siyempre isa na ako sa mga masasayang nilalang na iyon (bwahahahaha). Masarap talaga kasama ang mahal mo sa araw na ito, kasi masosolo ninyo ang isa’t isa. Kaso sa bandang paroon (hind parito) ay malalaman mo na magastos ang araw na ito.
Siyempre naman, kailangan mong gumastos para maging masaya ang mahal mo. Laking gastos sa bulsa. Yan ang problema ko ngayon. Hindi ko alam kung magkakasya ang buget ko sa amin dalawa ng mahal ko. Pero hindi ko na inaalala yun, mahalaga kami lang dalawa (bwahahahahaha). Isipin ko na lang na ok lang gumastos basta sa mahal mo. Hindi na bale mahal ang tsokolate at bulaklak at least masaya ka naman sa piling niya. Hindi na baleng mahal ang kumain sa isang romantic restaurant basta kasama ko siya. Hindi na baleng mahal ang kwartong pinareserve ko mahalaga kasamo ko siya dun.. yun ang Priceless (wehaaa parang meron eh sa bahay lang kami).
Ok lang kung gumastos ako mahalaga napasaya ko siya sa araw ng mag puso kahit masakit sakit sa bulsa ang mga mangyayari.
Dinner Date in a Resto : P1,500
Chocolates + Roses : P2,000
Having Sex w/ your GF : Priceless (sana magkatotoo amp)
For everything else there’s TRUST CONDOM.
Hay buhay! Nauso pa mga okasyong ganito. Anyways and cocoways, good luck sa mga dates niyo. Adios!
Happy Valentines Day!
Pagbati muna sa inyo ng isang Araw ng mga Puso!
Ang saya ng lahat kapag dadating ang araw na ito. Hindi ko alam kung anong espesyal sa araw na ito. Siguro nga dahil araw ito ng mga magsing-irog na kung saan eh pwede nila gawin ang gusto nila dahil araw nga naman nila.
Ano-ano nga ba ang mga pwedeng gawin kapag Araw ng mg Puso??? Ilan lang to sa mga pwedeng gawin ng mga magsing-irog.
1. Kumain
Oo, normal na ito sa lahat. Pero sana naman ibahin ang tema ng lugar ng pagkain niyo. Kung madalas e sa point-point (turo-turo) kayo kumakain, aba naman mag fast food ka naman o kaya e sa isang classy restaurant kayo kumain. Mas maganda with matching candle light para kung sakaling magbreak kayo e sunugin mo yung buhok ng ka date mo.
2. Maglakad at maglampungan sa park
Wow! Sarap siguro ng pakiramdam kung andun kayo sa park tapos naglalampungan kayo. At dapat dun kayo sa malayo sa iba, yung hindi maririnig ang mga daing at ungol niyo. The best place to be is yung kuweba kung puno na yung mga motel ng Sogo, Anito, at Victoria. Mas maganda din kung sa Taxi kayo maglampungan o kaya sa kotse. Privacy man!.
3. Magpareserve sa Motel
Habang maaga pa magpareserve na sa motel para may room kaagad. After ng dinner diretso na agad dun. Wala ng tanong tanong. Valentine’s Day naman eh kaya ok lang sa kasama mong GF o ka date ng diretso sa motel. Ingat lang sa mga camera baka mamaya nasa isang porn site ka na gaya ng Iyottube, Youporn, Redtube at Jologs. And be proud man. Sikat ka na at ang ka date mo. Scandal of 2008 labas niyo. Wow Hayvey!
4. Umuwi at matulog na lang
Ahahaha kung wala kang ka date at wala kang magawa sa araw ng mga puso eh kawawa ka naman, itulog mo na lang yan at lilipas din ang araw na yan. Payo lang kaibigan, pagkatapos ng Valentine’s day hanap ka na agad ng jowa mo para next year may kalampungan ka na sa Motel. Wag lang papahuli sa mga camera.
goodluck sa mga dates niyo!!
Maligayang Araw ng mga Puso!!!
Si ShinChan
Sa tuwing manonood ako ng pelikula ng batang (manyakis) na ito eh hindi ko na mapigilan nag tumawa ng tumawa. San ka ba makakakita ng batang manyakis na nagpapakita ng pwet sa manonood.. si SHIN CHAN lang yan.
Madali kasi ako matawa basta bata ang bida, mapacartoon o totoong buhay. Baby’s Day Out ang unang pelikulang nagustuhan ko na may batang bida. Kalaunan nagsearch ako ng iba pang anime o movie na may bidang bata. At sa wakas nakita ko si Shin Chan. Ang sarap manood ng pelikula niya. Parang wala siyang problema at siya pa ang nagbibigay ng problema sa mga taong nakapaligid sa kanya.
Isa sa mga uagli niya ang pagiging makulit at (manyakis) malapit sa babae. Hindi ko alam kung bakit naaakit ang mga babae sa laki ng ulo niya. Siguro talagang malapit (manyakis) lang siya. Sa mga gustong manood ng pelikula ng batang manyakis na ito, meron ako.
So Nice to be HAPPY
Masaya ako sa mag nagdaang araw hindi dahil tumama ako sa lotto kundi naging ayos na kami ng pinakamamahal ko. (Yuhoo Alak naman diyan). Aang sara p talaga ng pakiramdam kapag nagkaayos kayo para kang nasa heyven. Hindi na mahalaga sa akin kung ano ang nakain niya ang mahalaga bumalik na siya (parang teleseye, di ba).
Magkatext kami kagabi at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanya sa ginawa niya (ang totoo wala naman) na magkaayos kami. Sinabi ko sa kanya na magkita kami at kumain na din (kahit wala akong pera). Ang saya saya ko talaga. Nagkulitan kami at nagtawanan pero iba ang gusto ko mangyari kagabi (alam niyo na yun, mga menyaks). Pero nagpigil ako. Siyempre kababalik lang niya sa damdamin ko. Hindi ko siya bibiglain. Unti-unti (wahahaha menyak).
Ayoko na nga matapos ang gabi sa sobrang saya ko kaya ngayon liban ako kasi wala ako pamasahe papasok sa opisina dahil sa deyt namin kagabi. Wala masaya lang ako. Pautang naman oh, para may pamasahe ako bukas.
Bisnes
Ngayong bagong taon na, nagiisip ako ng magandang business. Para bang maganda ang pakiramdam ko kung magtatayo akko ng business. Kaso ayun nga sa dami ng iniiisip ko hindi ko baka hindi pumatok ang pipiliin ko. Sabi sa hula, maganda ang computers ngayong taon. Naisip ko lang kasi year of the rat, may connection kaya ito sa mouse?? (malamang, kaya nga magandang negosyo computer shop eh).
Naiisip ko din yung bang mga beads. May pangalan na nga akong naiiisip dito eh. Kaso hindi naman lahat ng tao gusto ng kwintas at pulseras na yari sa iba’t ibang bato. Kung sa mga artista pa baka sumikat pa mga gawa kong beads.
Marian rivera: Thanks to Mr. Castillo for my accessories. Puntahan niyo lang sila sa ganitong address para sa magagandang accessories and … blah blah blah!
Iniisip ko din kasi sa negosyo yung madali ang kita ng pera. Shabu siguro at marijuana (good idea, milyon milyon yan). Ehehehe joke lang yun. Mabuti akong tao. Pero kung walang wala na taalaga papatulan ko na yung fishball stand na ibinebenta sa akin. (wow sosy). Amp!.
Sana may maganda akong maisip na negosyo kaso mukhang malabo eh. Kung mananalo ako sa lotto, sandamakmak na negosyo itatayo ko. Sana manalo ako. Ipinalangin niyo.
Brand New Year
Bagong taon na, bagong pakikipgsapalaran na naman sa isang taong (sana) masagana. Isang taong puno (sana ulit) ng saya at kung ano ano pa. Sa pagpasok ng bagong taon, hindi ko alam kung ano magiging kalagayan ko. Hindi naman kasi ako yung taong maniniwala agad na kapag malungkot ka sa bagong taon eh malungkot ka sa buong taon ano ba bata na paniniwalaan lahat ng kasabihan. Pero minsan nagkakatotoo naman ang iba.
Hindi naging maganda ang anging pasok ng bagong taon sa akin. Paano ba naman eh ang layo ng minamahal ko sa akin. Hindi ko din alam kung bakit ganoon. Basta parang may pakiramdam akong naging malungkot ang bagong taon ko (wow!drama ah). Hindi ko din alam kung bakit hindi ko magawang makipagsaya sa mga tao a paligid, ang totoo nga niyan eh gusto ko na tumulog, nahihiya lang kasi ako sa inahin ko kasi naghanda siya ng pansit. Natapos ang pagpapalitan ng taon ganun pa rin pakiramdam ko. Hindi na nagbago. Hanggang ngayon na sinusulat ko to ganun pa din nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong nagyayari sa akin (Theme song:Kamandag).
Kahit malungkot ako ngayon alam ko naman na hindi ako pababayaan ng Diyos sa lahat ng gagawin ko. Yun na lang dalangin ko. Sana maging maayos ang pamilya ko at ang pamilya ng minamahalko. Sana maging maayos din ang pagsasama namin ng pinakamamahal ko.
Kain tayo. Maswerteng baging taon sa inyo.
Hindi Ko Alam
Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako sa mga panahong ito. Dahil na din siguro sa naging malungkot ang Pasko ko. Isa pang dahilan ng kalungkutan ko eh ang (hinayupak) na pera yan. Aaminin ko gastador ako. Kapag may pera akko kung ano anong pagkain ang binibili ko kaya nauubos agad ang pera ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ako kaadik sa mga pagkain, kahit anong pagkain. Naiinis din ako kapag minsan nauubos ang per ako sa pagkain.
Isa pang kinalulungkot ko eh ang pinkamamahal ko. Hindi ko malaman kung mahal niya ako o hindi. Mas magaling pa siya kapag kasama niya mg co-titser niya kesa sa akin. Kapag kami magkasama, (tangina) daig pang sementeryo sa sobrang lungkot ng mga oras. Kulang na lang patugtugin ang “Maalaala mo Kaya” tapos may musiko at karo ng patay at libing na ang dating sa sobrang lungkot. Tanungin mo naman magagalit. Hinayupak na buhay to, ang dami kong pinoproblema. Buong taon siguro akong mamumrublema sa pinkamamahal ko.
Hindi ko na alam kung saan ilalagay ang naguumapaw kong pagmamahal sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang kailngan kong gawin para maging maayos relasyon namin. Hindi ko na alam kung bakit akok nagsusulat ng walang kuwentang entry sa blog ko. Hindi ko alam kung maiibsan pa (ang kalibugan) kalungkutan ng damdamin ko. Hindi ko na alam kung kelan dadating ang swerte ko. Hindi ko na alam kung paano aayusin ang lahat. Hindi ko alam kung kelan ako magkakapera. Hindi ko alma kung naiintindihan niyo ang blog ko. Hindi ko alam kung ano. Basta hindi ko alam.
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS