A SINple Childhood
Tuwing ganitong bakasyon, lagi bumabalik sa alaala ko ang mga nagawa ko noong kabataan ko. Sino ba naman ang hindi makaka-alala e yung mga kasamahan ko noong kabataan ko eh lagi tambay sa kanto (kahit may edad na) at tumotoma ng gin magdamag. Naisip ko kung hindi pala ako nakapagtapos eh baka kagaya na nila ako (at hindi ko makikilala si mahal) na lasenggero at basagulero sa lugar namin (katakot). Tuwing napapadaan ako (siyempre san pa ba dadaan) eh kailangan nila akong pa-shot-in ng kahit isnag baso o kaya naman sumali sa kanila kahit kalahating oras lang (sus maniwala). Pakikisama ika nga nila. Sa umpukan naming iyon, hindi mawawala na makuwento namin ang aming mga kabataan (at kalokohan na din). Nababanggit pa nga ang mga pangalan ng iba naming kababata na ngayon ay nakakulong o kaya naman ay namatay dahil sa away (salamat naman). Isa-isahin natin ang mga nagawa ko noong kabataan ko………
……….. “Mr. Taga-Aplaya, Please rise”.. “Would you swear to tell the truth and nothing but the truth?”..
… “Yes Your Honor”. “Begin!”
KALIBUGAN
Nagsimula ang pagiging malibog noong Grade 5 ako. Kahit supot pa (dahil bakasyon ng grade six ako nagpatuli) ay hindi ko maiwasan na tingnan ang magagandang chikabebe na kaklase ko. Andiyan na halos gumapang ako sa sahig ng classroom namin makita lang kung anong kulay ng panty ang suot ng mga kaklase ko (buti di nila alam). Akala lang kasi nila noon na may kinukuha akong ballpen na nahulog lang, di nila alam langit na pala ang tinitingnan ko. Isa pang factor na nagpapalibog sa akin ay sa tuwing umiihi kami sa panlalaking CR na katabi lang ang sa mga pambabae. Open na open nga kasi yung sa mga babae at isa pa una mo siyang mabubungaran. Dahil sa mga bata pa nga at wala pang muwang (ako lang meron) eh dun sa harapan na lang ng CR sila jumi-jingle. Kaya naman ako (isang manyakis) eh tuwang tuwa sa nakikita. Umabot ang pagiging malibog ko hanggang mag-grade six ako at hanggang ngayon eh ganoon pa din ako (pero bawas na, charing!). Nitong mga taong ito tamang libog lang ang gawain ko andiyan ang bate-bate-bate-bate, hindi ko pa alam noon kung paano ipapasok ang akin sa kanya (ahahaha). Hanggang sa mapasama ako sa ibang manyakis sa barangay namin na tuwing tanghali nga eh nanonood ng betamax. Minsan nga may napanood pa akong betamax na si Pangulong Erap ang bida. Wala na siguro nito ngayon.
PANGUNGUPIT
Hindi nagtagal naramdaman kong hindi pala masaya ang laging nanonood ng betamax kaya ipinasya ko nang hindi sumama sa mga manyakis sa amin. Dalawang buwan ang lumipas na nasa bahay lang ako. Hanggang sa mapasali ako sa dalawang (hindi naman loko) matinding tao sa barangay namin. Doon ako natutong mangupit ng paninda sa mga tindahan na kung saan paborito naming kuni ang tinapay na pan-de-agwa (baka meron nito sa wikipedia heheh) at saging na malalaki. Hindi na nga ako sa bahay kumakain dahil sa kabusugan sa nga nakuha naming paninda at tsitsiriya. Tumagal ang pakikisama ko sa dalawang ito hanggang mag 2nd year high school ako. At noon ko lang nalaman na pinsan ko pala ang dalawang hinayupak na ito (kaya pala komportable ako sa kanila).
GANG
Nawala ang samahan naming 3 nang sumali sa ganag yung isa sa kasamahan namin. Nga pala sampung taon ang agwat ng edad namin ng 2 ko pang kasamahan. Nang sumali ako sa gang nakita kong may mas bata pa pala sa akin. Pero hindi nila tinitingnan ang edad basta malakas ang loob mo. Madami akong nagawang (wag na nating sabihing pagkakamali) kasalanan sa gang na ito. Andiyan na na mag-war games kami sa gabi gamit ay yung mga pellet gun. Dalawa pang pellet gun ang gamit ko noon (sosyal ako noon heheh). Kapag walang war-games, iba ang tinitira namin, mga parol at Christmas lights ng mga bahay (heheheh). Kaya sa umaga halos kalahati ng mga lights ang walang bumbilya. Yung mga parol naman wasak na sa umaga. Magpapasko kasi noon nang sumali ako dito.
Nabuwag ang gang na sinalihan ko nang magtatapos ako ng 3rd yr high school. Gumawa nang ibang gang ang kasamahan ko sa dati na kung saan magkakaedad kami. Kala niyo puro kalokohan din ginagawa namin dito, hindi kabutihan na. Napaisip kasi kami. Kung magtutuloy-tuloy ang pagiging barumbado namin walang mangyayari sa amin (haymen). Pero siyempre hindi maiiwasan ang mapalaban at lumaban (hehehe). Yung iba naming kasamahan sa dating gang eh iba na ang sinamahan. Oo. Mga adik at drug pusher, lasenggero at barumbado, mga ex-con (buti na lang tumiwalag ako). Salamat naman at hindi kami napasama sa kanila kasi baka ngayon nasa kulungan na din kami. Buti na lanag naging malinaw isip ko noong bata pa ako.
NGAYON
Nagbago na ako. Nagbago na din yung mga kasamahan ko. Salamat sa natapos ko at sa mahalko pinagbago niya ako. Hindi mawawala sa atin na tayo bilang tao may mga nagawang pagkakamali (seryoso na to), pero kailngan baguhin natin yun hanggang maaga pa para rin yun sa ikabubuti ng ating sarili. (haymen).
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS