Nakakata-Kyut Ka!!
“Hala SIge, pumunta ka diyan kukunin ka ng multo diyan???”
Pamilyar ba sa inyo ang mga katagang yan?? Sa akin oo. Kasi malimit nung bata ako lagi ako tinatakot ng aking mahal na inay sakaling may nagawa akong kasalanan (saka ko na iisa-isahin to). Dahil sa kamusmusan ng isip ko eh naniwala ako na makukuha nga ako ng multo (kahit transparent sila). Hindi ko lubos maisip, ngayong malaki na ako kung bakit kukunin ng multo ang mga bata? Dahil ba iyak sila ng iyak at may nagawa silang kasalanan? (ewan). Basta nung bata ako takot ako sa multo (period).
Habang lumalaki ako, nauso ang mga paggawa ng tulay at kasunod noon ang mga namumugot ng ulo. To the next level na ang pananakot ng mahal kong inay sa akin (hehehe nageevolve). Sabi kasi ng mahal kong inay, huwag daw ako lumabas ng tanghali kasi baka daw ako makuha ng namumugot ng ulo at ilalagay daw ang dugo ko sa tulay (Whoa! Exciting). Biruin mo, dugo mo ilalagay sa tulay, that’s history. Kung totoo man yun sana ilagay ng namumugot na ganito, nakasulat sa tulay dugo ni Taga-Aplaya (hehehehe), tapos marami pang iba, andun din dugo ng mga kalaro ko. Isang dahian kung bakit ganoon ang trato sa akin ng mahal kong ina eh gusto niya lang pala akong matulog sa tanghali. Naisip ko din noon na bakit kapag may pasok sa iskul eh hindi nangunguha ang namumugot ng bata to think na mas madami siyang makukuha di ba? (ahh baka napasok din siya). Ang panisn ko pa tuwing sabado lang nangyayari ang gnoong eksena sa bahay (ehehe what a koinsidense milk).
Lagi akong nagagalit sa inay ko tuwing tinatakot niya akong lumabas ng bahay dahil sa hinayupak na namumugot yan. Eh paano ba naman mas gusto kong maglaro kesa sa matulog at siyempre lagi kami may pinapanood ng mga kababata ko (betamax pa noon, di pa uso CD hehe). Ako magkukunwaring tulog tapos gigising kapag alam kong tulog na din sila eheheheh (gusto lang pala ng may katabi, heheh) and tya-rannn. Pwesto na mga kaibigan magsisimula na ang palabas. Dalawang oras kaming magkakasama habang nanonood ng magandang palabas sa betamax ng kabarkada ko. At pagkatapos noon, laro ng laro na heheheheh.
Nauso din sa amin noon ang mga delubyo bilang pananakot, may isip na ako nang nauso ang ganitong mga pnanakot. Dahil malapit kami sa dagat, eh magkakaroon da wng malaking alon na sisira sa aming bayan (humaygad!!). Hindi na ako naniniwala sa ganitong paraan ng pananakot dahil alam ko na hindi mangyayari yun (at hindi nga). Paano ba naman mangyayari yun eh kalma na kalma ng dagat at wala namang lindo na nagaganap. According to science (hanep, parang tunay ah) nagaganap lang ang tsunami kapag may lindol na naganap at kapag ang mga batong nasa ilalaim ng dagat ay nagsalpukan, an to think na hindi naman ganoon kalalaki ang bato sa bayan namin kaya walang lindol.
Laking pasasalamat ko na lang sa pananakot na yun, dahil pinauwi kami sa klase at ligtas ako sa eksam nang oras na yun. That’s why I love it!! Aga namin pinauwi, isang subject pa lang nung umaga uwian na dahil lang sa maling pananakot (heymen!)
4 Comments »
Leave a comment
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS
nadaan lang. sounds like ampalaya kasi. haha.
ok lang po saminella ^^ oo nga noh tunog ampalaya lang..
tambay lang ha ^^
oo nga totoo ba ‘yong pugutan ng ulo na yan at ilalagay sa tulay?
buti hindi ka naman kinuha ng bombay? lolz….
taga-aplaya talaga, pasaway… uwi na ako… baka may mumu..
ay ty po sa pagdaan mangyan ^^ nice name huh!!!
di pa kasi uso noon bumbay ahahahahah ^^