Taga-Aplaya

Pahingi ng Grasya sa Mahal kong APLAYA

Out of my League

Hindi yan title ng kanta ng Stephen Speaks (tama ba?). Bakit ko nasabing “out of my league” ang title ng entry ko? Kasi naman walang habas at humpay ang paliga sa barangay namin.  Kabi-kabila may paliga, halos buong kanto ng barangay may paliga.  Natutuwa naman ako at may paliga sa amin dahil hindi malululong sa masamang bisyo ang kabataan (sus! lulong napo sa alak at yosi). Pero sa isang banda naiinis din ako kasi naman inaabot ng alas onse ang tapos ng paliga.  Mahirap lang abot sa aming bahay ang garalgal na boses ng announcer na parang nasa ilalim ng hukay kung mag-announce. Imbes na magpahinga ka para sa pagpasok kinabukasan eh hindi mo magawa dahil nga sa paliga.  May iba na ding kapitbahay na nagrereklamo (sus! maniwala). Hindi ko naman magawang magreklamo dahil baka isipin nilang “KJ” ako (kool-aid Juicers). Ginagawa ko na lang, nagtataklob ako ng kumot (kahit mabanas) para lang mahimbing ako ng konti.  Ngunit talaga yatang hindi ako pinagpapala ng tulog.  May mag nagsisigawan pang parang mga parrot kung makatili sa paboritong team (mga hinayupak kayo). Kahit maglagay ka ng Ipod o walkman o discman sa tenga mo eh maririnig mo pa rin ang tili at sigaw ng mga hinayupak na yun.

Nagisip ako ng paraan para mabilis makatulog (sleeping pills?). Nope. Ang solusyon?? ti-tit-tit-tit-tit-tit-text. Opo mga kaututang dila. Text po ang sagot mga hindi nakakatulog.  Sino pa ba itetext ko? (eh di yung malibog na opismeyt). Siyempre ang mahalko. Baka isipin niyo hindi kami nagtetext at ngayon lang kami nagtext, siyempre mali kayo, nagtetext din naman kami lagi nga eh minsan nga eh natawag pa ako sa kanya.  Epektib po ang text sa mga hindi makatulog, may konti nga lang side effect (ano??). Oi excited. eto na…

Dahil sa pagtetext sa gabi, eh pagdating ng umaga halos manlabo ang paningin ko. Kailangan ko na ba magpadoctor?? O kailangan ko lang umabsent?? Mahina lang siguro ang mata ko, kasi maghapon kang nakababad sa computer tapos Cellphone naman sa gabi.  Pero iniisip ko na sweet din naman si Mahalko kasi nagtitiyaga siyang itext ako kahit pareho pa kaming may pasok kinabukasan (haaay). Pero minsan nagsasawa din siya na magtext, wala naman akong magagawa kundi intindihin siya (how sweet). So ako, dahil sa ingay ng paliga, at dahil wala ka nang makatext eh, pinipilit ko na lang tumulog kahit maingay sa labas.  Kaya pagdating sa opisina hindi ako makapag-blog at lagi akong tulog sa cubicle ko.  Buti na lang nasa bakasyon si Boss at walang makakakita sa akin na himbing na himbing ako sa pagtulog.

Maitext kaya si opismeyt (sino may gusto ng number niya???) O siya dito na muna to at tutulog lang ako habang wala pang laro sa labas at tiyak mamaya ingay na naman ang kakaharapin ko. (bwiset).

 

April 6, 2008 - Posted by yahwe | lovingly yours | | 4 Comments

4 Comments »

  1. (sino may gusto ng number niya???) – ako? >:)

    Comment by emoticon | April 8, 2008 | Reply

  2. heheheheh ty sa pagdaan

    Comment by yahwe | April 8, 2008 | Reply

  3. para nga naman malayo ang mga kabataan sa bisyo..’kaw naman kabayan kool-aid juicer.. he he he… at para masabi na rin kasi na may project ang barangay – ang sandamukal at kanto-kantong paliga. ako gusto ko rin nga number… har har har…

    Comment by me | April 12, 2008 | Reply

  4. ahaha oo nga no lyzius hehehehe

    Comment by yahwe | April 13, 2008 | Reply


Leave a comment