Taga-Aplaya

Pahingi ng Grasya sa Mahal kong APLAYA

Feast Be With You

Ang bakasyon hindi lang beach at halo-halo ang hatid sa atin.  Hindi lang din mga paliga sa barangay at kung ano-anong G-MIK (ay kay Camille to ah) ang hatid ng bakasyon.  Marami ang nag-eenjoy kapag bakasyon na (siyempre), ikaw ba naman ang magpahinga sa pag-aaral at kung ano pang gawain.  Summer job ay uso din kapag nalalapit na ang bakasyon.  Nandiyan maging service crew ka ng mga fast food chain.  Nandiyan maging kargador ka sa pier (ay kasama ba to?).  Basta madami ang pwedeng gawin kapag nagbabaksyon ka.  Pwede din namang mag-enroll ka sa mga summer classes at kung ano-ano pa.

Hindi rin makakaila na kapag bakasyon eh madaming piyestahan sa mga baryo at nayon.  Isa na dito ang lugar namin  na magpipiyesta na sa darating na Mayo (Abril pa lang ah, basta).  Siguro sa buong lugar sa Pilipinas eh kami lang ang may madaming petsa ng piyesta (aba! magkatunog ah). Opo, mga kaibigan at kaututang dila, sa lugar lang namin may piyestang ganyan (wala sa States).  Mag-uumpisa po tayo sa May 2, kung saan magsisimula ang piyesta ng Bayan (take note:bayan muna yan, hindi pa lugar namin).  Diyan nakapokus ang main event, kung saan may paligsahan sa Subli (kung di niyo alam to, andiyan Wikipedia, hehehe). Buong lugar sa bayan namin eh may entry sa paligsahan.  Magpaparad muna ang mga kalahok, pagkatpos ay magtitipon sa Plaza para sa hatulan ng mga hurado (amp, parang bibitayin).

Pagkatpos ng piyestang bayan, (ayan na) magsisimula na ang piyesta sa lugar namin.  May 3 ang simula hanggang May 31 na ang kasiyahan at tugtugan.  Ang mismong lugar namin eh May 5 ang piyesta kaya yung mga tirang pagkain sa ibang lugar sa amin eh sinasahog na lang para may handa sa piyesta (joke lang).  Mahaba ang selebrasyon ng piyesta sa lugar namin.  Parang hindi nauubusan ng pera ang mga tao.  Lahat ng bahay may handa, kami lang yata ang wala (meron din naman kahit kakarampot). Ang pinakamasayang parte nito ay ang prusisyon na may mga dayong chicks sa lugar para lang sumagala.  Halos lahat ng tao nanonood kapag nagsimula na ang prusisyon.  Ako iba tinitingnan ko (hehehe). Matapos ang prusisyon may mga panoorin sa may court kung saan may mga artistang magpeperform on stage.  Sarap.

Mamimiyesta ba kayo???

April 2, 2008 - Posted by yahwe | okasyon | | No Comments Yet

No comments yet.

Leave a comment