A SINple Childhood
Tuwing ganitong bakasyon, lagi bumabalik sa alaala ko ang mga nagawa ko noong kabataan ko. Sino ba naman ang hindi makaka-alala e yung mga kasamahan ko noong kabataan ko eh lagi tambay sa kanto (kahit may edad na) at tumotoma ng gin magdamag. Naisip ko kung hindi pala ako nakapagtapos eh baka kagaya na nila ako (at hindi ko makikilala si mahal) na lasenggero at basagulero sa lugar namin (katakot). Tuwing napapadaan ako (siyempre san pa ba dadaan) eh kailangan nila akong pa-shot-in ng kahit isnag baso o kaya naman sumali sa kanila kahit kalahating oras lang (sus maniwala). Pakikisama ika nga nila. Sa umpukan naming iyon, hindi mawawala na makuwento namin ang aming mga kabataan (at kalokohan na din). Nababanggit pa nga ang mga pangalan ng iba naming kababata na ngayon ay nakakulong o kaya naman ay namatay dahil sa away (salamat naman). Isa-isahin natin ang mga nagawa ko noong kabataan ko………
……….. “Mr. Taga-Aplaya, Please rise”.. “Would you swear to tell the truth and nothing but the truth?”..
… “Yes Your Honor”. “Begin!”
KALIBUGAN
Nagsimula ang pagiging malibog noong Grade 5 ako. Kahit supot pa (dahil bakasyon ng grade six ako nagpatuli) ay hindi ko maiwasan na tingnan ang magagandang chikabebe na kaklase ko. Andiyan na halos gumapang ako sa sahig ng classroom namin makita lang kung anong kulay ng panty ang suot ng mga kaklase ko (buti di nila alam). Akala lang kasi nila noon na may kinukuha akong ballpen na nahulog lang, di nila alam langit na pala ang tinitingnan ko. Isa pang factor na nagpapalibog sa akin ay sa tuwing umiihi kami sa panlalaking CR na katabi lang ang sa mga pambabae. Open na open nga kasi yung sa mga babae at isa pa una mo siyang mabubungaran. Dahil sa mga bata pa nga at wala pang muwang (ako lang meron) eh dun sa harapan na lang ng CR sila jumi-jingle. Kaya naman ako (isang manyakis) eh tuwang tuwa sa nakikita. Umabot ang pagiging malibog ko hanggang mag-grade six ako at hanggang ngayon eh ganoon pa din ako (pero bawas na, charing!). Nitong mga taong ito tamang libog lang ang gawain ko andiyan ang bate-bate-bate-bate, hindi ko pa alam noon kung paano ipapasok ang akin sa kanya (ahahaha). Hanggang sa mapasama ako sa ibang manyakis sa barangay namin na tuwing tanghali nga eh nanonood ng betamax. Minsan nga may napanood pa akong betamax na si Pangulong Erap ang bida. Wala na siguro nito ngayon.
PANGUNGUPIT
Hindi nagtagal naramdaman kong hindi pala masaya ang laging nanonood ng betamax kaya ipinasya ko nang hindi sumama sa mga manyakis sa amin. Dalawang buwan ang lumipas na nasa bahay lang ako. Hanggang sa mapasali ako sa dalawang (hindi naman loko) matinding tao sa barangay namin. Doon ako natutong mangupit ng paninda sa mga tindahan na kung saan paborito naming kuni ang tinapay na pan-de-agwa (baka meron nito sa wikipedia heheh) at saging na malalaki. Hindi na nga ako sa bahay kumakain dahil sa kabusugan sa nga nakuha naming paninda at tsitsiriya. Tumagal ang pakikisama ko sa dalawang ito hanggang mag 2nd year high school ako. At noon ko lang nalaman na pinsan ko pala ang dalawang hinayupak na ito (kaya pala komportable ako sa kanila).
GANG
Nawala ang samahan naming 3 nang sumali sa ganag yung isa sa kasamahan namin. Nga pala sampung taon ang agwat ng edad namin ng 2 ko pang kasamahan. Nang sumali ako sa gang nakita kong may mas bata pa pala sa akin. Pero hindi nila tinitingnan ang edad basta malakas ang loob mo. Madami akong nagawang (wag na nating sabihing pagkakamali) kasalanan sa gang na ito. Andiyan na na mag-war games kami sa gabi gamit ay yung mga pellet gun. Dalawa pang pellet gun ang gamit ko noon (sosyal ako noon heheh). Kapag walang war-games, iba ang tinitira namin, mga parol at Christmas lights ng mga bahay (heheheh). Kaya sa umaga halos kalahati ng mga lights ang walang bumbilya. Yung mga parol naman wasak na sa umaga. Magpapasko kasi noon nang sumali ako dito.
Nabuwag ang gang na sinalihan ko nang magtatapos ako ng 3rd yr high school. Gumawa nang ibang gang ang kasamahan ko sa dati na kung saan magkakaedad kami. Kala niyo puro kalokohan din ginagawa namin dito, hindi kabutihan na. Napaisip kasi kami. Kung magtutuloy-tuloy ang pagiging barumbado namin walang mangyayari sa amin (haymen). Pero siyempre hindi maiiwasan ang mapalaban at lumaban (hehehe). Yung iba naming kasamahan sa dating gang eh iba na ang sinamahan. Oo. Mga adik at drug pusher, lasenggero at barumbado, mga ex-con (buti na lang tumiwalag ako). Salamat naman at hindi kami napasama sa kanila kasi baka ngayon nasa kulungan na din kami. Buti na lanag naging malinaw isip ko noong bata pa ako.
NGAYON
Nagbago na ako. Nagbago na din yung mga kasamahan ko. Salamat sa natapos ko at sa mahalko pinagbago niya ako. Hindi mawawala sa atin na tayo bilang tao may mga nagawang pagkakamali (seryoso na to), pero kailngan baguhin natin yun hanggang maaga pa para rin yun sa ikabubuti ng ating sarili. (haymen).
Nakakata-Kyut Ka!!
“Hala SIge, pumunta ka diyan kukunin ka ng multo diyan???”
Pamilyar ba sa inyo ang mga katagang yan?? Sa akin oo. Kasi malimit nung bata ako lagi ako tinatakot ng aking mahal na inay sakaling may nagawa akong kasalanan (saka ko na iisa-isahin to). Dahil sa kamusmusan ng isip ko eh naniwala ako na makukuha nga ako ng multo (kahit transparent sila). Hindi ko lubos maisip, ngayong malaki na ako kung bakit kukunin ng multo ang mga bata? Dahil ba iyak sila ng iyak at may nagawa silang kasalanan? (ewan). Basta nung bata ako takot ako sa multo (period).
Habang lumalaki ako, nauso ang mga paggawa ng tulay at kasunod noon ang mga namumugot ng ulo. To the next level na ang pananakot ng mahal kong inay sa akin (hehehe nageevolve). Sabi kasi ng mahal kong inay, huwag daw ako lumabas ng tanghali kasi baka daw ako makuha ng namumugot ng ulo at ilalagay daw ang dugo ko sa tulay (Whoa! Exciting). Biruin mo, dugo mo ilalagay sa tulay, that’s history. Kung totoo man yun sana ilagay ng namumugot na ganito, nakasulat sa tulay dugo ni Taga-Aplaya (hehehehe), tapos marami pang iba, andun din dugo ng mga kalaro ko. Isang dahian kung bakit ganoon ang trato sa akin ng mahal kong ina eh gusto niya lang pala akong matulog sa tanghali. Naisip ko din noon na bakit kapag may pasok sa iskul eh hindi nangunguha ang namumugot ng bata to think na mas madami siyang makukuha di ba? (ahh baka napasok din siya). Ang panisn ko pa tuwing sabado lang nangyayari ang gnoong eksena sa bahay (ehehe what a koinsidense milk).
Lagi akong nagagalit sa inay ko tuwing tinatakot niya akong lumabas ng bahay dahil sa hinayupak na namumugot yan. Eh paano ba naman mas gusto kong maglaro kesa sa matulog at siyempre lagi kami may pinapanood ng mga kababata ko (betamax pa noon, di pa uso CD hehe). Ako magkukunwaring tulog tapos gigising kapag alam kong tulog na din sila eheheheh (gusto lang pala ng may katabi, heheh) and tya-rannn. Pwesto na mga kaibigan magsisimula na ang palabas. Dalawang oras kaming magkakasama habang nanonood ng magandang palabas sa betamax ng kabarkada ko. At pagkatapos noon, laro ng laro na heheheheh.
Nauso din sa amin noon ang mga delubyo bilang pananakot, may isip na ako nang nauso ang ganitong mga pnanakot. Dahil malapit kami sa dagat, eh magkakaroon da wng malaking alon na sisira sa aming bayan (humaygad!!). Hindi na ako naniniwala sa ganitong paraan ng pananakot dahil alam ko na hindi mangyayari yun (at hindi nga). Paano ba naman mangyayari yun eh kalma na kalma ng dagat at wala namang lindo na nagaganap. According to science (hanep, parang tunay ah) nagaganap lang ang tsunami kapag may lindol na naganap at kapag ang mga batong nasa ilalaim ng dagat ay nagsalpukan, an to think na hindi naman ganoon kalalaki ang bato sa bayan namin kaya walang lindol.
Laking pasasalamat ko na lang sa pananakot na yun, dahil pinauwi kami sa klase at ligtas ako sa eksam nang oras na yun. That’s why I love it!! Aga namin pinauwi, isang subject pa lang nung umaga uwian na dahil lang sa maling pananakot (heymen!)
Out of my League
Hindi yan title ng kanta ng Stephen Speaks (tama ba?). Bakit ko nasabing “out of my league” ang title ng entry ko? Kasi naman walang habas at humpay ang paliga sa barangay namin. Kabi-kabila may paliga, halos buong kanto ng barangay may paliga. Natutuwa naman ako at may paliga sa amin dahil hindi malululong sa masamang bisyo ang kabataan (sus! lulong napo sa alak at yosi). Pero sa isang banda naiinis din ako kasi naman inaabot ng alas onse ang tapos ng paliga. Mahirap lang abot sa aming bahay ang garalgal na boses ng announcer na parang nasa ilalim ng hukay kung mag-announce. Imbes na magpahinga ka para sa pagpasok kinabukasan eh hindi mo magawa dahil nga sa paliga. May iba na ding kapitbahay na nagrereklamo (sus! maniwala). Hindi ko naman magawang magreklamo dahil baka isipin nilang “KJ” ako (kool-aid Juicers). Ginagawa ko na lang, nagtataklob ako ng kumot (kahit mabanas) para lang mahimbing ako ng konti. Ngunit talaga yatang hindi ako pinagpapala ng tulog. May mag nagsisigawan pang parang mga parrot kung makatili sa paboritong team (mga hinayupak kayo). Kahit maglagay ka ng Ipod o walkman o discman sa tenga mo eh maririnig mo pa rin ang tili at sigaw ng mga hinayupak na yun.
Nagisip ako ng paraan para mabilis makatulog (sleeping pills?). Nope. Ang solusyon?? ti-tit-tit-tit-tit-tit-text. Opo mga kaututang dila. Text po ang sagot mga hindi nakakatulog. Sino pa ba itetext ko? (eh di yung malibog na opismeyt). Siyempre ang mahalko. Baka isipin niyo hindi kami nagtetext at ngayon lang kami nagtext, siyempre mali kayo, nagtetext din naman kami lagi nga eh minsan nga eh natawag pa ako sa kanya. Epektib po ang text sa mga hindi makatulog, may konti nga lang side effect (ano??). Oi excited. eto na…
Dahil sa pagtetext sa gabi, eh pagdating ng umaga halos manlabo ang paningin ko. Kailangan ko na ba magpadoctor?? O kailangan ko lang umabsent?? Mahina lang siguro ang mata ko, kasi maghapon kang nakababad sa computer tapos Cellphone naman sa gabi. Pero iniisip ko na sweet din naman si Mahalko kasi nagtitiyaga siyang itext ako kahit pareho pa kaming may pasok kinabukasan (haaay). Pero minsan nagsasawa din siya na magtext, wala naman akong magagawa kundi intindihin siya (how sweet). So ako, dahil sa ingay ng paliga, at dahil wala ka nang makatext eh, pinipilit ko na lang tumulog kahit maingay sa labas. Kaya pagdating sa opisina hindi ako makapag-blog at lagi akong tulog sa cubicle ko. Buti na lang nasa bakasyon si Boss at walang makakakita sa akin na himbing na himbing ako sa pagtulog.
Maitext kaya si opismeyt (sino may gusto ng number niya???) O siya dito na muna to at tutulog lang ako habang wala pang laro sa labas at tiyak mamaya ingay na naman ang kakaharapin ko. (bwiset).
Feast Be With You
Ang bakasyon hindi lang beach at halo-halo ang hatid sa atin. Hindi lang din mga paliga sa barangay at kung ano-anong G-MIK (ay kay Camille to ah) ang hatid ng bakasyon. Marami ang nag-eenjoy kapag bakasyon na (siyempre), ikaw ba naman ang magpahinga sa pag-aaral at kung ano pang gawain. Summer job ay uso din kapag nalalapit na ang bakasyon. Nandiyan maging service crew ka ng mga fast food chain. Nandiyan maging kargador ka sa pier (ay kasama ba to?). Basta madami ang pwedeng gawin kapag nagbabaksyon ka. Pwede din namang mag-enroll ka sa mga summer classes at kung ano-ano pa.
Hindi rin makakaila na kapag bakasyon eh madaming piyestahan sa mga baryo at nayon. Isa na dito ang lugar namin na magpipiyesta na sa darating na Mayo (Abril pa lang ah, basta). Siguro sa buong lugar sa Pilipinas eh kami lang ang may madaming petsa ng piyesta (aba! magkatunog ah). Opo, mga kaibigan at kaututang dila, sa lugar lang namin may piyestang ganyan (wala sa States). Mag-uumpisa po tayo sa May 2, kung saan magsisimula ang piyesta ng Bayan (take note:bayan muna yan, hindi pa lugar namin). Diyan nakapokus ang main event, kung saan may paligsahan sa Subli (kung di niyo alam to, andiyan Wikipedia, hehehe). Buong lugar sa bayan namin eh may entry sa paligsahan. Magpaparad muna ang mga kalahok, pagkatpos ay magtitipon sa Plaza para sa hatulan ng mga hurado (amp, parang bibitayin).
Pagkatpos ng piyestang bayan, (ayan na) magsisimula na ang piyesta sa lugar namin. May 3 ang simula hanggang May 31 na ang kasiyahan at tugtugan. Ang mismong lugar namin eh May 5 ang piyesta kaya yung mga tirang pagkain sa ibang lugar sa amin eh sinasahog na lang para may handa sa piyesta (joke lang). Mahaba ang selebrasyon ng piyesta sa lugar namin. Parang hindi nauubusan ng pera ang mga tao. Lahat ng bahay may handa, kami lang yata ang wala (meron din naman kahit kakarampot). Ang pinakamasayang parte nito ay ang prusisyon na may mga dayong chicks sa lugar para lang sumagala. Halos lahat ng tao nanonood kapag nagsimula na ang prusisyon. Ako iba tinitingnan ko (hehehe). Matapos ang prusisyon may mga panoorin sa may court kung saan may mga artistang magpeperform on stage. Sarap.
Mamimiyesta ba kayo???
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS