Taga-Aplaya

Pahingi ng Grasya sa Mahal kong APLAYA

Loyalty is Ewan

Wala akong balak maglagay ng entry ngayong araw at binalak ko na bukas na lang isulat ang entry ko na ito, pero dahil sa kasamaang palad (at mariang palad) eh eto at may mababasa na naman kayo.  Kahapon, lunes, maaga ako pumasok sa opisina dahil nga sa madaming gawain na naiwan noong nakaraang bakasyon.  Hindi ko inaasahang aabutan ko doon si opismeyt na itatago natin sa pangalang Gracie (hindi ko alam kung bakit basta binigyan niya ako ng grasya noong Sabade de Gloria).

Tinanong ko siya kung bakit maaga siya, sabi niya magme-memorize daw siya ng report niya.  So ako diresto sa cubicle ko.  At siya kita ko siay sa cubicle niya at nagsasaulo nga.  Gumawa na ako ng mga dapat gawin.  Maaga pa yun.  Maya-maya, lumapit siya sa akin (gusto ata ng round 2 heheh) at sinabi niya na paano daw ipapaliwanag yung nasa report niya.  Sbai ko mag-site ka ng mga sample para maintindihan ni boss.  Ok. (haba na naman ng sagot niya).  Balik ako sa gawain ko.  Hikab doon hikab dito.  Take note kami lang dalawa nasa opisina nun kasi maaga pa.  Maya-maya ulit lumapit siya, sabi ko na lang may gusto ka ata sa akin eh, tapos bigla niya binulong na (ehem) namiss niya daw yung nangyari sa amin noong Sabado.  Ako pa lang ang nakapagpasuko ng Bataan niya, at ni kahit BF niya eh hindi daw napasuko yun.  (swerte ba o malas?). Naglalambing na siya sa akin nang pumasok sa isipan ko si Mahalko.  Sabi ko na lang na parehas kami committed sa isa’t-isa.  Nabigla ako nang sabihin niyang ilihim na lang daw ang relasyon namin sa aming mga minamahal.

Ngayon napapaisip ako sa mga nsabi niya.  Hindi ko magawa ang mga gawain ko dito sa opisina. (naks parang tunay ah).  Committed na ako sa sa Mahalko, tapos eto ang isang malibog na magandang babae na naghahabol sa akin.  Kung kayo nasa katayuan ko, sino pipiliin niyo? Yung malibog o yung Mahalmo?

Ako hindi na tinatanong yan, mas pinili ko ang pinakamamahal ko (how loyal nad sweet), Ngayong araw na ito habang naglu-lunch kami eh sinabi ko na ayoko ng gawin ulit yung mga ginawa namin dahil Mahalko ang Mrs. ko. (at isa pa nakuha ko na siya, dats enap heheh). Wala siyang nasagot kundi, Ok, tulungan mo ulit ako ha kapag may report ako. Ok na lang nasagot ko (pero siyempre may halong ka-ELAN yun). Hay salamat, naging maluwag ngayon ang pakiramdam ko dahi wala na akong iisiping iba kundi ang Mrs. ko. (heymen).

March 25, 2008 Posted by yahwe | samut-sari | | 8 Comments