Mahaaaaaabaang Baaakaaasssyooonn
Mahaba ang magiging bakasyon ko mula ngayong araw na ito, sinpian ata ng magandang espiritu ang boss namin (sana sapian lagi). Pinagbabakasyon kami mula ngayon hanggang Easter Sunday. (salamat, heymen). Para naman daw meron kaming time this Holy Week sa mga pamilya namin. (haymen, agen). Masarap pakinggan yun kasi 6 days na walang opisina, walang mala-demonyong boss na maguutos sa iyo kung anong gaawin, walang mga mga opis meyt na makukulit. Ngunit wala ding suweldo, wala ding chicks na magaganda, wala ding mabobosohang opismeyt. (whoooh). Wala ding libreng juice at kape sa break time. Walang aircon, at higit sa lahat walang libreng net (wahhhhhhhhh).
Iniisip ko na hindi ko iiwan ang mundo ng blogosphere, ita-try kong mag update ng mga nangyayari sa paligid-ligid at lahat ng alam kong kabalugastugan, at kalokohan sa aking buhay, isama niyo na din maging ang kamanyakan (yung may gusto lang) kasi ayaw kong mawalan ng mambabasa ang TAGA-APLAYA, mahal ko ang mga nagbabasa nito, (kung meron, heheheh). Susubukan kong mag-rent sa mga I-cafe sa lugar namin, malay niyo may makatabi ulit akong chicks, swerte. Pero malabo mangyari yun eh, kasama ko ang (asawa) syuta ko (sana makasal na kami). Pero siyempre, ipagpapaliban ko ang Biyernes Santo, mangingilin muna ako (kristiyano din kasi ako, pati kayo).
Wala pa naman akong binabalak ngayon o bukas, kasi andito pa din ako sa opisina at ako na lang ang natitira dito (ay may guwardiya pa pala). Anong ginagawa ko?? Siyempre nagbo-blog. (ano pa). Pero maya-maya uuwi na ako. Pero masyado pang maaga para umuwi, magugulat mga tao sa bahay, kasi kapag gabi ako umwui nagugulat din sila (ewan). Balak ko mamili para sa Easter Sunday. Mga pagkain, at kung ano anong mangungutngut sa bahay. Wala naman kasi akong balak mgpunta ng beach o magpinetensiya o manood ng mga palabas sa karsada, balak ko lang magpahinga sa mahabang bakasyong ibinigay sa akin at tiyak na madaming trabaho ang haharapin ko pagpasok ko sa Lunes.
Ihahanda ko ang sarili ko sa trabaho. Manonood ng TV kasama ang syuta ko at (gagawa ng bata, yihee) kumain ng kumain. Yan lang ang nasa isip kko ngayong araw kaya sige uwi na ako at galit na si manong guwardiya kasi sabik na sabik na din siya umuwi sa kanila.
2 Comments »
Leave a comment
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS
wala ding chicks na magaganda, wala ding mabobosohang opismeyt. – YUN YUN EH! hahahahahaha!
may aplayan ba dyan sa inyo? pa-aplay naman ako dyan sa aplaya. hahaha. korne ko. wala kasi akong mabosohan dito sa opis. hahahaahha!
idol jeck wala pa ding bakante dito eh magbabawas pa nga kami kasi nalulugi na ung firm hehehehe wag sana mahalata ang pamboboso ko ehehehehehe