March-a-Day
Buwan na naman ng Marso, e ano pa ba ang gusto niyong sabihin ko buwan ng Agosto??? (sige kayo na lang magsabi niyan) kaso Marso pa lang ngayon at lahat yata e nagtatapos sa buwang ito. Ano pa ba iniisip niyo eh di yung Graduation. Malamang at sa hindi eh may anak o kamag-anak kayong magtatapos sa buwnag ito. Ako 2 sa pamangkin ko magtatapos ngayong buwnag ito. Hindi ko nga alam kung ano ireregalo sa 2 batang yun. (kasi gagastos ako).
Bukod sa Graduation eh mukhang katapusan na din ng ubo at sipon ko ko. Halos wala akong ganang pumasok sa opisina kundi lang dahil sa pamilya ko hindi ko talaga ako papasok. Pero ngayon ok na naman ang pakiramdam ko. Ipinainom kasi ako ng inay ko ng ALAGAW, (kundi niyo alam to, i-search nyo sa wikipedia) at doon gumaling ang ubo ko. What an Herb!!! Subukan niyo din kapag may ubo kayo tiyak gagaling kayo. Yung sipon naman eh basta na lang nawala na parang bula. Wag na sanang bumalik yun.
Marso nga naman, halos lahat ng bagay dito nagtatapos. Mapa-opisina man o eskuwelahan at pati sa bahay halos nagtatapos ang lahat. Bakit ko sinabi to??? (ewan ko). Kasi naman halos sa lugar namin aalis, at magbebeach daw. Amp! Plano-plano hindi naman ako makaksama at nasa trabaho ako. Pero sa isang banda magaling na din yung hindi ako sasama kasi ilan lang kaming matitira sa bahay at sa kapitbahay. (hmm)
Wala naman ako binabalak nagyong buwan na ito. Kung katapusan ito sa lahat at bakasyon sa iba, ibahin niyo ako, nasa opisina ako, naka-airocn. (bwahahahaha).
No comments yet.
Leave a comment
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS