I’m Alive
Buhay pa naman ako sa mga poanahong ito. Hindi ko lang magawang makapgsulat dahil sa dami ng ginagawa ko sa opisina (kala niyo lang). Sa dami ng ginawa ko hindi ko na alam kung may bukas pa para sa akin (wooo drama). Nagcocomment lang ako sa blog ni “Dobo” kapag may free time ako sa opisina. At ngayon nga na wala si “Boss” (si taning ito) ay pwede akong mag-blog ngayon. Hay buhay, sana hindi na dumating yung “boss namin dito” kasi ang sarap ng pakiramdam kapag wala siya. Pero kapag andiyan siya, hay para kaming bibitayin sa dami ng pinagagawa at inuutos niya. Kapag wala siya, we’re FREE as a bird (hindi yung nasa baba kasi nakakulong yun).
Maganda naman ang naging week ko sa opisina, na kahit hindi makapag-blog dahil sa sandamakmak na trabaho eh ok naman. Kahit malaki na ang “eyebag” ko eh todo smile pa rin sa mga nagiging customer ng firm namin. Sino ba naman hindi magiging masaya eh sa kagaganda ng mga nagiging customer namin. Yung isa nga halos lumuwa dibdid (langit ito) kapag kausap ko. Hay! Kung di ka lang customer baka nayaya na kita sa biglang liko.
Nag-isip din akong magsulat dahil 1st day of the month ngayon na kahit andiyan si “Boss” eh sulat pa din ako kunyari lang na may ginagawa. Wala kasi magawa kapag ganitong sabado kasi wala naman masyado customer. Kaya eto blog-blog muna. Hay buhay, makapgpaalam na nga at nang makapg-halfday na lang. Mas magaling pa tumigil sa bahay kesa sa ganito. Whooh. Babush!
2 Comments »
Leave a comment
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS
isusumbong kita keh bossing. LOL
wag ganun ahahahaha