Part 2: Net Mo, Net Ko, Net Net Niyo!!
Dahil sa maraming nag-comment sa unang episode ng Net Mo, Net Ko, Net Net Niyo, eto na ang sequel (naks parang pelikula lang ah). Ay nga pala, maraming salamat sa nagcomment sa part 1 ng Net Mo (tatalunin nito ang Star Wars heheh).
Dahil sa matitinding pananaliksik at pagsasarbey sa bawat kanto ng Aplaya eh eto ang mga website at (ehem) porn site na paboritong puntahan, mapa-lalake man o babae, bata matanda, bading o t-bird, eto na…
1. Y8.com
Isang site na naglalaman ng mga flash games at kung ano ano pang games ang makikita sa site na ito siyempre wala ditong online games.
2. ArmorGames.com
Hatid ng site na ito ang flash games na kagaya sa Y8. Ang kaibahan lang dito ay mas mahihirap ang games at may ibang games na wala sa Y8.
3. Jologs.com
Streaming scandals (pinay man o kana) ang ahtid ng site na ito. Updated sa lahat ng scandals ng Pinas. Saan ka pa, dito ka na. (hehehehe)
4. Txtflix.com
Kagaya sa jologs eh ganun din ang hatid ng site na ito. Updated ito every other day. (kung ako sa jologs na ako).
5. Iyottube.com
Sa pangalan pa lang alam mo na na porn site ito (heheh). Mas maganda ito sa 2 kasi mas updated ito sa scandals. Magaganda ang mga scandals dito. Pictures??? name it they have it!!! Tip: kapag nagplay ang video sa site na ito may lalabas na ads, pwede mo na siyang i-skip kapag lumabas yung ads. Makikita ang skip button sa upper right ocrner ng site.
6. Imeem.com
Free music with embedded codes ang hatid ng site na ito. Pwede ding video. (nasa sayo kung i-sesearc mo eh video). Pwede mong ilagay sa FS o Myspace ang mga nakuha mong songs at pwede ka ding gumawa ng playlist dito. Pero siyempre, kailangan may account ka muna (libre naman eh).
O siya puntahan niyo na mga sites na ito para di kayo ma bored diyan. Adios!!
Loyalty is Ewan
Wala akong balak maglagay ng entry ngayong araw at binalak ko na bukas na lang isulat ang entry ko na ito, pero dahil sa kasamaang palad (at mariang palad) eh eto at may mababasa na naman kayo. Kahapon, lunes, maaga ako pumasok sa opisina dahil nga sa madaming gawain na naiwan noong nakaraang bakasyon. Hindi ko inaasahang aabutan ko doon si opismeyt na itatago natin sa pangalang Gracie (hindi ko alam kung bakit basta binigyan niya ako ng grasya noong Sabade de Gloria).
Tinanong ko siya kung bakit maaga siya, sabi niya magme-memorize daw siya ng report niya. So ako diresto sa cubicle ko. At siya kita ko siay sa cubicle niya at nagsasaulo nga. Gumawa na ako ng mga dapat gawin. Maaga pa yun. Maya-maya, lumapit siya sa akin (gusto ata ng round 2 heheh) at sinabi niya na paano daw ipapaliwanag yung nasa report niya. Sbai ko mag-site ka ng mga sample para maintindihan ni boss. Ok. (haba na naman ng sagot niya). Balik ako sa gawain ko. Hikab doon hikab dito. Take note kami lang dalawa nasa opisina nun kasi maaga pa. Maya-maya ulit lumapit siya, sabi ko na lang may gusto ka ata sa akin eh, tapos bigla niya binulong na (ehem) namiss niya daw yung nangyari sa amin noong Sabado. Ako pa lang ang nakapagpasuko ng Bataan niya, at ni kahit BF niya eh hindi daw napasuko yun. (swerte ba o malas?). Naglalambing na siya sa akin nang pumasok sa isipan ko si Mahalko. Sabi ko na lang na parehas kami committed sa isa’t-isa. Nabigla ako nang sabihin niyang ilihim na lang daw ang relasyon namin sa aming mga minamahal.
Ngayon napapaisip ako sa mga nsabi niya. Hindi ko magawa ang mga gawain ko dito sa opisina. (naks parang tunay ah). Committed na ako sa sa Mahalko, tapos eto ang isang malibog na magandang babae na naghahabol sa akin. Kung kayo nasa katayuan ko, sino pipiliin niyo? Yung malibog o yung Mahalmo?
Ako hindi na tinatanong yan, mas pinili ko ang pinakamamahal ko (how loyal nad sweet), Ngayong araw na ito habang naglu-lunch kami eh sinabi ko na ayoko ng gawin ulit yung mga ginawa namin dahil Mahalko ang Mrs. ko. (at isa pa nakuha ko na siya, dats enap heheh). Wala siyang nasagot kundi, Ok, tulungan mo ulit ako ha kapag may report ako. Ok na lang nasagot ko (pero siyempre may halong ka-ELAN yun). Hay salamat, naging maluwag ngayon ang pakiramdam ko dahi wala na akong iisiping iba kundi ang Mrs. ko. (heymen).
Type Kita!!
Maganda naman naging pagpapahinga ko sa mahabang bakasyong ibinigay ng opisina. Tumulog lang ako at nanood ng bidyo sa dibidi player, siyempre kasama ko ang pinakamamahal ko. Nitong sabado eh, meron lang hindi magandang nangyari (o talagang hindi maganda), biruin mo ba naman na magtext yung ka-opisina mo at sabihing “Pwede ba samahan mo ako, magtatype ako ng report ko sa Monday”. Hayup sa banat. Siyempre ano pa gagawin ko, kundi sagutin ang text ni opismeyt at sinabi kong, “Wait lang ha sabado de gloria kasi ngayon eh, baka pwede sa Sunday na lang”. Bwissyet na sagot. “Ah eh hindi ako pwede sa Sunday, may outing kami ng pamilya ko”. Buwisyet talaga, inuuna pa yung outing kesa sa report, sabagay naiintindihan ko siya (kundi lang maganda yun). Nga pala, babae yung opismeyt ko. Then reply ulit ako sa kanya, sabi ko, “Kundi ka lang maganda at sexy, hindi kita tutulungan.” Sagot niya, “K”. (ang haba noh).
After kong maligo, nagpaalam ako kay “mahalko” at sinabing may gagawin kami ng opismeyt ko. Pumayag naman siya at sabi ko hintayin niya ako at papasalubungan ko siya ng chicharon at balot. So nagtext ulit ako sa pismeyt ko, sabi ko “San kita hihintayin”. Sagot agad siya, “dito na lang tayo sa bahay kasi wala naman tao dito nasa church sina nanay” (dyakpat ako nito.. hmmm alam na). Hindi naman kalayuan ang bahay nila, isang sakay lang ng (eroplano) traysikol tapos andun ka na. Pagdating ko agad akong pumaosk at at nakita ko na siya na nakaharap na sa PC niya. Sabi ko, “oh kaya mo naman pala eh.” Sabi niya, “Hindi pa, madami pa to noh”. Sabi ko naman, kundi ka lang sexy eh baka narape na kita. Siyempre sa isip ko lang yun, sabi ko na lang ok, pameryendahin mo ako ha (ng pizza pie mo). Sbai niya kahit ano basta matapos lang to.
So encode encode encode kami maghapon sa kanila. Dun na nga ako nagtanghalian at ngmeryenda (pizza pie siyempre.. yun ang gusto ko eh). Then nasa last page na kami ng report niya nang maisipan kong umalis na at magpapaalam na dahil medyo hapon na din yun. Bigla niya na lang akong pinigilan sa hindi ko alam na dahilan, (heheheh) sinabi ko na lang na aalis na talaga ako at kailangan na. Pero pilit siyang nagpipigil sa pag-alis ko. Sinabi niya na lang an tapusin ko na lang yung last page ng report niya. So ako (dahil namamanyak na din at tawag ng laman) dahil sa kabutihang loob ko eh sumang-ayon na din sa kanya.
Maya-maya naisipan niyang maligo dahil pagod na din daw siya at banas na banas na din kahit tutok ang fan sa aming dalawa. Sabi ko sa gabi ka na maligo para di ka mapasma, tapos bigla niyang nasabi na, whooh may gusto ka sa akin noh.. sabi ko (oo) wala noh at isa pa may Bf ka may Gf na din ako. Tapos sabi niya sige na, aminin mo na gusto mo ako noh??. Nang sa kawalan nasabi ko, oo sa ganda at sexy mong yan sinong di malilibugan sayo. Bigla siyang natawa at ayun namuo ang kalibugan sa buong bahay nila.
Umalis akong may saya sa mukha. Mga alas siyete na nang makauwi ako sa bahay at nadatnan ko pa din si Mrs. sa bahay at nalimutan ko ang pasalubong ko sa kanya. Siyempre ano pa gagawin niya. Wala (nagalit at nagtampo). Buti na lang may dumaang magbabalot at may dala pang chicharon. Dahil sa nakalimutan ko yung pasalubong ko, pinakyaw ko yung tinda ni manong na balut at chicharon. Masaya kaming kumain ng mahalko at ng mga magulang ko. Pero ibang saya ang nasa mukha ko. (heheheheheh).
Mahaaaaaabaang Baaakaaasssyooonn
Mahaba ang magiging bakasyon ko mula ngayong araw na ito, sinpian ata ng magandang espiritu ang boss namin (sana sapian lagi). Pinagbabakasyon kami mula ngayon hanggang Easter Sunday. (salamat, heymen). Para naman daw meron kaming time this Holy Week sa mga pamilya namin. (haymen, agen). Masarap pakinggan yun kasi 6 days na walang opisina, walang mala-demonyong boss na maguutos sa iyo kung anong gaawin, walang mga mga opis meyt na makukulit. Ngunit wala ding suweldo, wala ding chicks na magaganda, wala ding mabobosohang opismeyt. (whoooh). Wala ding libreng juice at kape sa break time. Walang aircon, at higit sa lahat walang libreng net (wahhhhhhhhh).
Iniisip ko na hindi ko iiwan ang mundo ng blogosphere, ita-try kong mag update ng mga nangyayari sa paligid-ligid at lahat ng alam kong kabalugastugan, at kalokohan sa aking buhay, isama niyo na din maging ang kamanyakan (yung may gusto lang) kasi ayaw kong mawalan ng mambabasa ang TAGA-APLAYA, mahal ko ang mga nagbabasa nito, (kung meron, heheheh). Susubukan kong mag-rent sa mga I-cafe sa lugar namin, malay niyo may makatabi ulit akong chicks, swerte. Pero malabo mangyari yun eh, kasama ko ang (asawa) syuta ko (sana makasal na kami). Pero siyempre, ipagpapaliban ko ang Biyernes Santo, mangingilin muna ako (kristiyano din kasi ako, pati kayo).
Wala pa naman akong binabalak ngayon o bukas, kasi andito pa din ako sa opisina at ako na lang ang natitira dito (ay may guwardiya pa pala). Anong ginagawa ko?? Siyempre nagbo-blog. (ano pa). Pero maya-maya uuwi na ako. Pero masyado pang maaga para umuwi, magugulat mga tao sa bahay, kasi kapag gabi ako umwui nagugulat din sila (ewan). Balak ko mamili para sa Easter Sunday. Mga pagkain, at kung ano anong mangungutngut sa bahay. Wala naman kasi akong balak mgpunta ng beach o magpinetensiya o manood ng mga palabas sa karsada, balak ko lang magpahinga sa mahabang bakasyong ibinigay sa akin at tiyak na madaming trabaho ang haharapin ko pagpasok ko sa Lunes.
Ihahanda ko ang sarili ko sa trabaho. Manonood ng TV kasama ang syuta ko at (gagawa ng bata, yihee) kumain ng kumain. Yan lang ang nasa isip kko ngayong araw kaya sige uwi na ako at galit na si manong guwardiya kasi sabik na sabik na din siya umuwi sa kanila.
March-a-Day
Buwan na naman ng Marso, e ano pa ba ang gusto niyong sabihin ko buwan ng Agosto??? (sige kayo na lang magsabi niyan) kaso Marso pa lang ngayon at lahat yata e nagtatapos sa buwang ito. Ano pa ba iniisip niyo eh di yung Graduation. Malamang at sa hindi eh may anak o kamag-anak kayong magtatapos sa buwnag ito. Ako 2 sa pamangkin ko magtatapos ngayong buwnag ito. Hindi ko nga alam kung ano ireregalo sa 2 batang yun. (kasi gagastos ako).
Bukod sa Graduation eh mukhang katapusan na din ng ubo at sipon ko ko. Halos wala akong ganang pumasok sa opisina kundi lang dahil sa pamilya ko hindi ko talaga ako papasok. Pero ngayon ok na naman ang pakiramdam ko. Ipinainom kasi ako ng inay ko ng ALAGAW, (kundi niyo alam to, i-search nyo sa wikipedia) at doon gumaling ang ubo ko. What an Herb!!! Subukan niyo din kapag may ubo kayo tiyak gagaling kayo. Yung sipon naman eh basta na lang nawala na parang bula. Wag na sanang bumalik yun.
Marso nga naman, halos lahat ng bagay dito nagtatapos. Mapa-opisina man o eskuwelahan at pati sa bahay halos nagtatapos ang lahat. Bakit ko sinabi to??? (ewan ko). Kasi naman halos sa lugar namin aalis, at magbebeach daw. Amp! Plano-plano hindi naman ako makaksama at nasa trabaho ako. Pero sa isang banda magaling na din yung hindi ako sasama kasi ilan lang kaming matitira sa bahay at sa kapitbahay. (hmm)
Wala naman ako binabalak nagyong buwan na ito. Kung katapusan ito sa lahat at bakasyon sa iba, ibahin niyo ako, nasa opisina ako, naka-airocn. (bwahahahaha).
I’m Alive
Buhay pa naman ako sa mga poanahong ito. Hindi ko lang magawang makapgsulat dahil sa dami ng ginagawa ko sa opisina (kala niyo lang). Sa dami ng ginawa ko hindi ko na alam kung may bukas pa para sa akin (wooo drama). Nagcocomment lang ako sa blog ni “Dobo” kapag may free time ako sa opisina. At ngayon nga na wala si “Boss” (si taning ito) ay pwede akong mag-blog ngayon. Hay buhay, sana hindi na dumating yung “boss namin dito” kasi ang sarap ng pakiramdam kapag wala siya. Pero kapag andiyan siya, hay para kaming bibitayin sa dami ng pinagagawa at inuutos niya. Kapag wala siya, we’re FREE as a bird (hindi yung nasa baba kasi nakakulong yun).
Maganda naman ang naging week ko sa opisina, na kahit hindi makapag-blog dahil sa sandamakmak na trabaho eh ok naman. Kahit malaki na ang “eyebag” ko eh todo smile pa rin sa mga nagiging customer ng firm namin. Sino ba naman hindi magiging masaya eh sa kagaganda ng mga nagiging customer namin. Yung isa nga halos lumuwa dibdid (langit ito) kapag kausap ko. Hay! Kung di ka lang customer baka nayaya na kita sa biglang liko.
Nag-isip din akong magsulat dahil 1st day of the month ngayon na kahit andiyan si “Boss” eh sulat pa din ako kunyari lang na may ginagawa. Wala kasi magawa kapag ganitong sabado kasi wala naman masyado customer. Kaya eto blog-blog muna. Hay buhay, makapgpaalam na nga at nang makapg-halfday na lang. Mas magaling pa tumigil sa bahay kesa sa ganito. Whooh. Babush!
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS