So Nice to be HAPPY
Masaya ako sa mag nagdaang araw hindi dahil tumama ako sa lotto kundi naging ayos na kami ng pinakamamahal ko. (Yuhoo Alak naman diyan). Aang sara p talaga ng pakiramdam kapag nagkaayos kayo para kang nasa heyven. Hindi na mahalaga sa akin kung ano ang nakain niya ang mahalaga bumalik na siya (parang teleseye, di ba).
Magkatext kami kagabi at walang humpay ang pasasalamat ko sa kanya sa ginawa niya (ang totoo wala naman) na magkaayos kami. Sinabi ko sa kanya na magkita kami at kumain na din (kahit wala akong pera). Ang saya saya ko talaga. Nagkulitan kami at nagtawanan pero iba ang gusto ko mangyari kagabi (alam niyo na yun, mga menyaks). Pero nagpigil ako. Siyempre kababalik lang niya sa damdamin ko. Hindi ko siya bibiglain. Unti-unti (wahahaha menyak).
Ayoko na nga matapos ang gabi sa sobrang saya ko kaya ngayon liban ako kasi wala ako pamasahe papasok sa opisina dahil sa deyt namin kagabi. Wala masaya lang ako. Pautang naman oh, para may pamasahe ako bukas.
Bisnes
Ngayong bagong taon na, nagiisip ako ng magandang business. Para bang maganda ang pakiramdam ko kung magtatayo akko ng business. Kaso ayun nga sa dami ng iniiisip ko hindi ko baka hindi pumatok ang pipiliin ko. Sabi sa hula, maganda ang computers ngayong taon. Naisip ko lang kasi year of the rat, may connection kaya ito sa mouse?? (malamang, kaya nga magandang negosyo computer shop eh).
Naiisip ko din yung bang mga beads. May pangalan na nga akong naiiisip dito eh. Kaso hindi naman lahat ng tao gusto ng kwintas at pulseras na yari sa iba’t ibang bato. Kung sa mga artista pa baka sumikat pa mga gawa kong beads.
Marian rivera: Thanks to Mr. Castillo for my accessories. Puntahan niyo lang sila sa ganitong address para sa magagandang accessories and … blah blah blah!
Iniisip ko din kasi sa negosyo yung madali ang kita ng pera. Shabu siguro at marijuana (good idea, milyon milyon yan). Ehehehe joke lang yun. Mabuti akong tao. Pero kung walang wala na taalaga papatulan ko na yung fishball stand na ibinebenta sa akin. (wow sosy). Amp!.
Sana may maganda akong maisip na negosyo kaso mukhang malabo eh. Kung mananalo ako sa lotto, sandamakmak na negosyo itatayo ko. Sana manalo ako. Ipinalangin niyo.
Brand New Year
Bagong taon na, bagong pakikipgsapalaran na naman sa isang taong (sana) masagana. Isang taong puno (sana ulit) ng saya at kung ano ano pa. Sa pagpasok ng bagong taon, hindi ko alam kung ano magiging kalagayan ko. Hindi naman kasi ako yung taong maniniwala agad na kapag malungkot ka sa bagong taon eh malungkot ka sa buong taon ano ba bata na paniniwalaan lahat ng kasabihan. Pero minsan nagkakatotoo naman ang iba.
Hindi naging maganda ang anging pasok ng bagong taon sa akin. Paano ba naman eh ang layo ng minamahal ko sa akin. Hindi ko din alam kung bakit ganoon. Basta parang may pakiramdam akong naging malungkot ang bagong taon ko (wow!drama ah). Hindi ko din alam kung bakit hindi ko magawang makipagsaya sa mga tao a paligid, ang totoo nga niyan eh gusto ko na tumulog, nahihiya lang kasi ako sa inahin ko kasi naghanda siya ng pansit. Natapos ang pagpapalitan ng taon ganun pa rin pakiramdam ko. Hindi na nagbago. Hanggang ngayon na sinusulat ko to ganun pa din nararamdaman ko. Hindi ko na alam kung anong nagyayari sa akin (Theme song:Kamandag).
Kahit malungkot ako ngayon alam ko naman na hindi ako pababayaan ng Diyos sa lahat ng gagawin ko. Yun na lang dalangin ko. Sana maging maayos ang pamilya ko at ang pamilya ng minamahalko. Sana maging maayos din ang pagsasama namin ng pinakamamahal ko.
Kain tayo. Maswerteng baging taon sa inyo.
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS