Hindi Ko Alam
Hindi ko alam kung bakit nalulungkot ako sa mga panahong ito. Dahil na din siguro sa naging malungkot ang Pasko ko. Isa pang dahilan ng kalungkutan ko eh ang (hinayupak) na pera yan. Aaminin ko gastador ako. Kapag may pera akko kung ano anong pagkain ang binibili ko kaya nauubos agad ang pera ko. Hindi ko alam kung bakit ganun ako kaadik sa mga pagkain, kahit anong pagkain. Naiinis din ako kapag minsan nauubos ang per ako sa pagkain.
Isa pang kinalulungkot ko eh ang pinkamamahal ko. Hindi ko malaman kung mahal niya ako o hindi. Mas magaling pa siya kapag kasama niya mg co-titser niya kesa sa akin. Kapag kami magkasama, (tangina) daig pang sementeryo sa sobrang lungkot ng mga oras. Kulang na lang patugtugin ang “Maalaala mo Kaya” tapos may musiko at karo ng patay at libing na ang dating sa sobrang lungkot. Tanungin mo naman magagalit. Hinayupak na buhay to, ang dami kong pinoproblema. Buong taon siguro akong mamumrublema sa pinkamamahal ko.
Hindi ko na alam kung saan ilalagay ang naguumapaw kong pagmamahal sa kanya. Hindi ko na alam kung ano pang kailngan kong gawin para maging maayos relasyon namin. Hindi ko na alam kung bakit akok nagsusulat ng walang kuwentang entry sa blog ko. Hindi ko alam kung maiibsan pa (ang kalibugan) kalungkutan ng damdamin ko. Hindi ko na alam kung kelan dadating ang swerte ko. Hindi ko na alam kung paano aayusin ang lahat. Hindi ko alam kung kelan ako magkakapera. Hindi ko alma kung naiintindihan niyo ang blog ko. Hindi ko alam kung ano. Basta hindi ko alam.
Lonely, I’m Nobody
Isa pang ikinalulungkot ng (hinayupak) buhay ko eh sa dami ng mga problemang iniiisip lalo na sa taong pinakamamahal mo.
Una, sa susunod na taon aalis ang mahal ko at magmamasteral daw. Potek na pag-aaral yan oo, Teacher ka na mag-aaral ka pa. At gusto sa Maynila (mahal kong maynila) pa magmasteral e meron naman dito malapit sa amin. Potek talaga oo. Iniisip ko yan. Ito na ang pinakamsakit sa akin dahil 2 buwan (oo, hindi 3, 2 lang) siya mawawala sa tabi ko. Dami ko kasi iniiisip eh. Adik nga siguro ako.
Pangalawa, saan ka ba kukuha ng pera para ipambayad sa pagmamasteral ng pinkamamahal mo? Sana nga meron ako pera para tapos an problema ko. Potek talaga oo. Kung anak lang ako ng Bilyonaryo badya ko pa papasukin sa mastera ang mahal ko. Pera, Pera, Pera, potek na pera yan nauso pa. Sana tela na lang pambayad no. Kung gusto niyo magdonate para sa akin, open ako 24 hours kahit linggo at piyesta opisyal open ako.
Tatlo, wala na pala, tangina basta madami ako iniiisip kaya dito ko na lang nilagay lahat.
Pass-Ko
Kapag mamalasin ka nga naman ano, magpapasko wala akong pera. Bakit kasi ang aga binigay ang sweldo ko, potek kayo manager sana ngayon nyo na lang yung bonus namin. Ilang araw na lang at pupunta na mga inaanak ko sa bahay para mamasko, tang ina oo, ano na naman sasabihin ko?? Pasensiya saka na lang sa akin kapag nag-asawa ka na!! Hayup! Eh edad 2 taon pa lang yung mga inaanak ko, ano na lang sasabihin nga mga inahin at amahin ng mga yun. Grabe naman si _________ , ang kuripot. Potek wag ko lang maririnig yan at tiyak giyera to the max ang labas. (Baka magkasaulian pa ng kandila, wag naman sana, maganda si Mare).
Iniisip ko ngayon kung saan kukuha ng pera. Mangholdap, magnakaw, mangidnap, magpasabog ng mall, manhostage, humingi sa wish Ko lang at kung ano ano pang bagay ang pumapasok sa isip ko magkapera lang. (Wahhhhhhhh wag sana akong mahuli ng pulis). Sana naman wag maalala ng mga inaanak ko ang Pasko. (wahahahaha, nice thinking).
Hindi ko na alam gagawin ko. Aalis muna ako baka swertehin sa labas at may dumating na pera galing abroad o kaya naman lumagpak yun galing sa langit. Ang hirap talaga ng swerte ng tao. Kelan kaya dadating swerte ko?? Sana ngayon na at huwag nang ipagpabukas pa.
Misa De Gallo
Ang diwa ng Pasko ay hindi kumpleto kung wala ang simbang gabi. Dito mo makikita ang lahat ng mga kakilala mo pati yung mga teacher mo noong elementarya ka pa.
Titser: Ikaw si ________ yung magaling (malikot) kkong estudyante noon?
Ako: Opo. wag naman po kayong ganun. (buhay pa pala kayo??)
Nagiging reunion nga ito sa lahat. Pati mga kamag-anak mo na di mo nakikita ng mahabang taon ay makikita mo sa simbang gabi. Kasi naman bakasyon hehehheeh kaya reunion na din.
Ale: Ikaw ba si _______, yung anak ng Tita ________??
Ako: Opo ako nga.
Ale: Ahh oo ikaw nga, tiyahin mo din ako, pwede ako na lang uupo diyan.
Ako: Ahh ganun po ba, sige po. (letse ka papakilala ka tapos aagwan mo ako ng upuan)
Di mo din aasahan na makikita mo ang crush mo noong bata ka pa na ngayon ay may asawa na.
Ako: Oi Juana (di tunay na pangalan), kumusta na, sino yan anak mo?
Juana: Oo, magiisang taon na, ikinasal ako noong pagtapos ko ng jiskul. ikaw kamusta na.
Ako: Eto ganito pa din makulit ang isip. Asan asawa mo?
Juana: Nasa abroad ngayon eh. Di nga makakuwi ng Pasko.
Ako: Ahh ganun ba(Pwede ako na lang katabi mmo mamaya) hehehehhe
Simbang gabi tradisyon na nating mga Pilipino. Kulang talaga ang Paskko kapag wala nito.
Ibang Lahi
Hindi ko alam kung bakit ito ang entry ko sa (hinayupak) na blog ko. Sino ba naman ang hindi mapapasulat eh talaga naman na kakaiba ng ugali ng ibang lahi kesa sa mga pinoy.
Mahilig ako sa online games, mapa private server o gawang pinoy ok lang sa akin. Nagtry ako maglaro sa isang private server na online games. Angd aming pinoy na naglalaro at mismong Game Master ng laro eh pinoy. Halos lahat pinoy nakikita mo.
May umagaw ng atensiyon ko nang muli akong maglaro. May nagsasalita ng ibang lengguwahe sa larong iyon. Hindi ko akalain na bukod tangi siya sa lahat doon. Kinausap ko siya (siyempre Ingles). Taga-Chile pala siya. At Espanyol ang salita nila. Isa sa nakita ko sa kanya, una pagiging curious o matanong. Tanong siya ng tanong sa akin kung ano gagawin. Ako bilang pinoy, eh matulungin. pagkatapos ng trenta minuto eh nagawa na niya yung mga sinabi ko. Tapos noon nagpsalamat siya kahit baluktot Ingles niya.
Kinabukasan may kasama na siya 2 pang player na galing Chile rin. So nag ask din sila sa akin. Tinulungan ko sila. Tapos nun sabi ko sa kanila, bibigyan ko sila ng gamit, sabi nung isa “No need, we can handle items here.” Nagulat ako. Tapos sabi pa ung isa, “We are here to relax and hang around, even we are killed by Filipinos in thos player-kill maps”. Nagulat ako at sumali sa kanila. Iginanti ko yung mga taga-Chile sa kalahi ko. Kasi naman ang yayabang ng pinoy, kahit saan magpunta. Akala mo kung sino malakas. puro hangin lang naman. Di ko minamaliit lahat ng pinoy pero sana bawasan natin pagiging mayabang sa katawan.
Kinabukasan nagonline ulit kami, kasama ko na yung taga ibang lahi. Sa tiyaga nila maghanap ng mga gamit sa larong yun. Humanga ako sa kanila. Masyado sila matiyaga sa paghahanap. Hindi tulad nating mga pinoy, asa tayo sa kapwa pinoy natin.
Ngayon nagpapasalamat sila sa akin dahil sa mga natulong ko sa kanila. Di ba ang sarap kahit sa munting bagay nakatulong at isipin mo ibang lahi pa natulungan mo. Hindi yung magmamayabang tayo sa iba wala naman pala tayo ibubuga.
Kaya naman hindi naasenso ang bansa nating dahil sa madaming mayayabang na pinoy.
Mukhang baduy ang entry nato ah… pagpsensiyahan na humahanga lang talaga ako.
Simoy Pasko
Mula pagkabata hanggang ngayon eh lagi ako natutuwa kapag sasapit ang Pasko, paano ba naman nung bata ako lagi may nagbibigay sakin ng P500.00 na ninong kaya ang saya-saya ko noon. Pero ngayon wala ng magbibigay ng ganun kasi matanda na ako at ang kalimitang sabi ng mga ninong ko eh “Sa Kasal na lang yung sa Akin ha”. Makapagpakasal na kaya bukas para malamn ko kung magkano ibibigay ng mga ninong at ninang ko.. PWEDE.
Masarap talaga kapag Pasko. Ang magkakagalit (lalong nagkakagalit) ay nagkakabati. Ang mga masusungit na matanda eh nagbibigay ng kending hubad at (panis) na tsokolate. Ang mga bata ang sasaya parang walang katapusan ang araw kapag Pasko. Ang magkakapitbahay nagbibigayan ng mga handa nila. Peborit ko yung cake ng kapitbahay namin eh, ang sarap.
Bakit kaya hindi na lang gawin Pasko araw-araw para walang problema. Para magbigayan ang lahat. Para walang mga gulo at manggugulo. Para walang KUDETA, (Trillanes, tinamaan ka ba?). Pero hindi maari gawing Pasko araw-araw. Siyempre nakalaan yung isang araw lang. Eh di nagalit si Papa Jesus kung ginawang araw-araw birthdayNiya.
Anyway, Merry Christmas sa inyo. Sana masagana ang maging Pasko niyo.
-
Recent
-
Links
-
Archives
- September 2008 (1)
- April 2008 (4)
- March 2008 (6)
- February 2008 (5)
- January 2008 (3)
- December 2007 (6)
- November 2007 (11)
-
Categories
-
RSS
Entries RSS
Comments RSS