Taga-Aplaya

Pahingi ng Grasya sa Mahal kong APLAYA

Belated Halloween

Natapos na naman ng Araw ng mga Bangkay este patay pala. Sandamakmak na basura ang iniwan ng mga nagsipuntahan sa sementeryo.  Hindi ko lubos maisip kung paano nililinis ng mga “caretaker” yung mga basura na iniwan ng mga tao nagsitungo sa sementeryo. Kung publiko ang sementeryo siyempre mahihirapan ka talaga, kung pribado (wow sosyal) e madali dali na yung paglilinis.  Ang masakit nito walang pera pamabayad ang gobyerno kung pampublikong sementeryo ang nilagyan ng kalat.  Ang mahirap pa nito kung ganito ang sitwasyon…

Mayor: O taas ang kamay ng maglilinis ng sementeryo diyan.  Pasensiya n kayo hindi kayo makukuha lahat 3 lang kukunin natin kasi wala pondo para diyan ang gobyerno. (nasa bulsa ko.. with matching tawang-aso)

Ang hirap at pagod na dinadanas ng mga tagalinis ng sementeryo ay hindi pwedeng balewalain. Pero ika nga nila, pera pera lang yan.

November 3, 2007 Posted by yahwe | okasyon | | No Comments Yet