Taga-Aplaya

Pahingi ng Grasya sa Mahal kong APLAYA

Ang Mahal

Kaninang umaga bago ako pumasok sa opisina, nagsabi ako sa nanay ko ng ganito, ‘Nay, pagluto mo naman ako ng sinangag at longganisa, sabi naman ng nanay ko, Sige, ligo ka na muna at lulutuin ko. Diyaraan, bait talaga nanay ko.  Eto na, nagbubukas nanay ko ng stove, pihit dito, pihit doon.  Sabi ko na lang, Nay baka wala na tayong gasul. Tsinek ng nanay ko yung LPG namin (yung sanhi daw ng pagsabog sa GLORIETTA) POTEK, wala na pala kaming gasul.  So ako naman, ehem bilang konsern citizen of the house, eh nagsabi ng Nay bili muna ako ng LPG sa may kanto. Oo naman si MADIR dear.  So dala ko yung LPG namin habang lakad ako sa kanto. 

Nang makarating ako sa tindahan, tanong ko agad kung magkano ang LPG. POTEK talaga, sabi nung tindera P610 napo LPG. WHATT???!! Sabi ko nung isang buwan 480 lang ah. Sabi nung tindera nagmahal na daw eh.  Naman.

Kung di lang maganda gising ko, tatakbuhan ko yung tindera na dala ang LPG na may laman. Pero mabigat eh, baka tumawag pa ng tanod at makulong pa ako.  Good boy to eh. whahahahaha.

Pagdating ko sa bahay, sinabi ko kay Nanay yung presyo, sabi lang niya Ganyan talaga, lahat tumataas Sabi ko na lang mag-uling na lang kaya tayo. Natawa naman si nanay. Tapos sinabi niya, di hindi maluluto etong paborito mo. Sabagay. Pero ang iniisip ko, ang laki ng itinaas ng LPG. from 480 to 610.  Talaga nga naman.  Mabuti pa noong una, kahoy lang ginagamit sa pagluluto, kahit hap-kuk yung pagkain kain lang ng kain.  Kahit may dugo ay kain pa rin.

 O siya tama na muna, baka sa duguan pa maounta to.

November 9, 2007 - Posted by yahwe | samut-sari | | No Comments Yet

No comments yet.

Leave a comment