Taga-Aplaya

Pahingi ng Grasya sa Mahal kong APLAYA

May Pasok

Nakakatamad talaga ang pumasok, lalo na at galing ka sa mahabang bakasyon. Pero siyempre kailangan mong pumasok sa trabaho man o sa eskuwelahan.  Tandaan mo na hindi lahat s abuhay mo e bakasyon.  Pwede ka namang magbakasyon, kapag namatay ka na wahhahahaha.

Anyways, and anyhows talagang minsan nakakatamad pumasok lalo na trabaho.  Siymepre, una mong makikita ang boss mo na matakaw sa pera. Mga pinagkakautangan mo, mga barkada mong walang alam gawin kundi magyaya maghapi hapi at higit sa lahat ang sandamukal na gawain na iniwna mo noong bakasyon.

Pero kung hindi ka papasok, wala kang kikitain.  Wala kang mababaon na masarap, tulad ng kaning lamig at toyo. bwahahahhahaha.

Kung titingnan mo marami kang makukuha na kakaiba kung sakaling papasok ka.  Tulad nalang ng pagsakay mo sa dyip, makakasama mo mga taong may putok, mga taong baliw at driver na akala mo eh may humahabol at siyempre mga chikababes na seksi.

Chikas: Makikiabot ng bayad.

Ako: Ang lambot naman ng kamay mo. Pwede ka ba mamaya?? (sabay sampal)

Pero nakakatamad din kasi dami pinagagawa dito. Taeng manager yan. Siya sige na baka masisante pa ako dito.

November 5, 2007 Posted by yahwe | samut-sari | | No Comments Yet